Sierra Ang mga halik na kay tagal kong hinahanap-hanap. Gusto ng kumawala ang puso ko sa tindi ng kabog nito. Bahagya akong nakapikit kaya't nasisilayan ko ang kanyang mukha. Nakapikit siya habang patuloy na gumagalaw ang labi. Mas nilapit pa ang sarili kaya’t lalong nag-init ang aming mga katawan. Para itong may mga sariling buhay na kusang nagdirikit. Parehong sabik ang aming mga katawan sa ilang buwan naming pag-aasam sa isa't isa. Binuhat niya ako’t hinayaan siyang tangayin sa kung saan. Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg habang sinasabayan na rin ang bawat galaw ng labi niyang marahan man ang galaw ay halata ang pagkasabik. Nagpatangay ako sa agos ng pagnanasang nararamdaman ko. Halik pa lang ang ginagawa niya sa akin ngunit nakaramdam na ako ng init ng katawan na lu

