Vivi's POV
"Bettina, hindi siya ang mommy mo, sa ngayon pero, balang araw—"
"Ate, paki-paliguan na lang po si Bettina bago kayo umalis," pigil niya sa sasabihin ng ginang. Ito naman 'di na lang hayaan ang anak. E, doon na rin naman papunta.
"Sige po kuya. Halika na Bettina, baby."
Bago umakyat ang ginang kasama ng anak niya'y kinuha muna niya ito sa aking tabi.
"D-Dad, m-mommy ko, mommy—"
"Sshh, b-baby, s-she is n-not your m-mommy,” aniya sa anak.
May iba akong napansin, kung paano niya kausapin ang anak niya. My pagdahan-dahan niya kasi itong sinabi sa anak.
"Halika na, Bettina. Shower na ang baby na 'yan," nakangiting sabi ng ginang.
"Ako na po, Ate, ang mag-aakyat sa kanya."
Bago niya pa ako tinalikuran ay…
"Wait a sec. Maliligo na rin muna ako," paalam niya sa akin at umakyat na nga. Haist, sayang naman. Gusto ko pa sana mapagmasdan ang katawan niya.
"S-Sure! Magsisimula na rin ako sa lulutuin ko," I said.
Tinalikuran niya ako. Pero hindi pa rin mawala ang tingin ko sa papalayo niyang hubad na likuran. "Oh my, did I fantasize about him? No! Vivi, marami pa na mas maganda ang katawan kaysa sa kanya." I bow my head while biting my lower lip.
I guess my perspective has changed since I met him. Hindi ko 'to gusto. This is not me. Ilang minuto rin akong nakatunganga bago ko inabala ang sarili sa paghahanda ng mga sangkap para sa Beef Caldereta ko.
Naghanap ako ng wok and chopping board, para umpisahan sanang balatan ang carrot at patatas pero…
"Marunong kaba talaga magluto? Or you just wanted to impress—"
"Holy! F-Fu… bakit ka ba nanggu…?!" I was about to shout pero 'di ko na nagawa. Na starstruck kasi ako sa itsura niya. Nagtanggal kasi siya ng balbas kaya bumata siya tingnan. Plus the fact that he looked so sexy wet. I mean basa kasi ang hair niya. And he smell like Sauvage perfume by Dior. Which is ang lagi kong hinahanap-hanap sa mga naging boyfriends ko. I really like the smell. Wala lang talaga female version kaya minsan ko lang siyang gamitin. Isa sa mga paborito kong mga collection ay perfumes. I have lots of them. But one of my favorites is Nectarine Blossom by Jo Malone.
"W-What? Ganyan ba ako ka-gwapo at tulala ka na riyan?" he said teasing me. Kapal!
"Hindi lang ako magaling—masarap din. Wanna na try?" He was about to say something nang maunahan ko.
"M-Mamaya, m-matitikman mo," sabi ko at mabilis na iniwas ang tingin.
Ipinagpatuloy ang ginagawa at hindi na lamang siya tiningnan. Thank God, umalis na rin siya. Since townhouse ang bahay nila kaya nakikita ko pa rin ang presensya niya, habang nakaupo sa couch. He's watching TV right now, kaya abala na rin ang mata niya sa pinapanood.
Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito ka-persistent para maging boyfriend siya. Plus ginagawa ko pa ang ganito para lang mapapayag siya.
Ilang sandali pa ay bumaba na ang ginang, kasama si Bettina. Nag-paalam na rin ito kaya't kami na lang ang natitirang tatlo.
Lumapit sa akin si Bettina at umupo sa tabi ko.
"Mommy," sabi niya lang at nakangiting nakatingin sa akin. She looks so excited while looking at me.
"You also love to cook?" I asked. But she keeps on smiling.
"Mommy," sabi niya lang at niyakap na ako. I let her hug me at tumingin sa daddy niya. Tumango lang ito at maya-maya ay lumapit sa amin. Umupo siya sa bakanteng upuan at kinalong si Bettina nang mahiwalay sa akin.
I wanted to ask him, but I couldn't. It's too personal. Pero nahulaan niya yata kaya siya na ang nagsalita.
"She can't talk, except for the word mommy and daddy, but she understands. Iyan lang sa ngayon ang kaya kong sabihin," he said. Halata sa boses niya ang malunglot. Nagulat ako sa sa sinabi niya. Related kaya 'yon sa nangyari sa mommy ni Bettina?
"Oo naman naintindihan ko,” sabi ko na lang at nginitian sila. Dadalhin niya sana si Bettina pabalik sa couch, pero mukhang ayaw ng bata. Kaya walang magawa ang daddy niya kung hindi ang manatili.
Masaya akong pinanood ni Bettina, habang kalong-kalong ng daddy niya. Naiilang tuloy ako sa presensya niya.
"Mukhang alam mo naman ang gagawin."
"Ikaw lang naman ang walang bilib sa akin, at pabibilibin kita pag-natikman mo na," pagmamalaki ko pang sabi.
"We'll see. Ano bang lulutuin mo?" usisa pa niyang tanong.
"Beef caldereta, specialty kasi namin ni mommy," sagot ko. Isang matamis na ngiti ang sagot niya sa akin. Nag-umpisa ako magluto na may ngiti sa labi.
"Can you say something habang nagluluto. Like step by step how to cook it… do it for Bettina," pagtatama pa niya.
"Okay, sabi ni mommy mas masarap raw kung ipa-fry mo muna itong carrots potato and bell pepper."
"Alright, after you fry, what's next?"
"Saute first the ginger—"
"Why ginger? I thought it was garlic?"
"Gaya ng sabi ni mommy, para mawala ang lansa ng karne. After ng ginger, then that's the time you put the bawang and onion. Kapag medyo golden brown na siya pwede na nating ilagay ang beef cut into cubes. Then hintayin natin lumam…“ natigilan ako magsalita.
“W-Why?" Na conscious na naman ako’t natigilan nang mapansin kong titig na titig pala siya sa akin.
"Nothing, masarap ka lang panoorin. Sige akyat ko muna si Bettina, mukhang matagal pa naman 'yan." he said and immediately walked away.
"Manong naman, huwag mo akong pakiligin." I said to myself.
I took out my cell phone and took my selfie. And send it to Ara and Lorraine. With the caption: Doing my first obligations as a girlfriend."
Habang naghihintay na lumambot ang niluluto ko ay inabala ko muna ang aking sarili sa malaking picture frame na nakadikit sa wall.
It's a wedding picture of him and his wife. They look so in love together. Maganda ang asawa niya. May kahawig siyang hollywood celebrity. Bagay na bagay sila, same age and both in love.
Sabi ko noon, I wanted to experience an extraordinary love feeling. Hindi ko pa naranasan 'yon sa mga past relationship ko.
Parang si Mommy at Daddy. Sabi ni mommy, unang kita pa lang daw niya kay daddy noon ay alam na niyang he's the one.
And when I asked her. Ang sagot niya lang sa akin ay malalaman ko na lang daw kapag nakita ko na ang taong iyon.
Marami naman ako naging boyfriend, pero wala. Wala 'yung magic na sinasabi ni mommy. Kaya siguro mabilis ako magsawa.
After an hour, nakaluto na rin ako. Naghanda at maya-maya ay bumaba na nga ang mag-ama.
Kinakabahan ako habang nginunguya na niya at tinitikman ang luto ko.
"What, pasado na ba?" He just shrugged his shoulders and didn't talk.
Hanggang matapos kami. Nawalan tuloy ako ng gana. Mukhang hindi niya nagustuhan ang niluto ko, so it means hindi pa rin siya papayag? Nasayang tuloy ang effort ko. Pero mukha namang nasarapan siya.
Hanggang matapos ako maghugas ng lahat ng pinagkainan namin at nilutuan ko ay hindi na rin siya nagsalita. At hindi na rin bumaba matapos kami kumain.
Mission failed ba ako? Pero hindi ako basta papayag na aalis at uuwi ng wala ako makuhang sagot mula sa kanya. May pasok ako bukas kaya hindi ako makakapunta sa bar. I still have five hours left for my on-job training in aviation. So, I need to finish it by this week.
Dahil wala siyang balak bumaba. Kaya naisipan kong akyatin na lang siya. Pag-akyat ko, tatlong pintuan ang bumungad sa akin.
"Manong Bruce, nasaan ka?" mahinang tawag ko sa pangalan niya. Nakakainis siya masyadong pahabol. May oras ka rin sa akin.
Pinili ko ang gitnang pintuan.
I inhale deeply before I slowly turn the knob. Bumungad sa akin ang malawak na espasyo. With a queen size bed. Charcoal color with a mix of white on the ceiling and the smell? Of course, it's my favorite mix of air freshener and Sauvage perfume—definitely his room. Lalabas na sana ako nang…
"What are you doing here, Nene?" My eyes widen at his half-naked body. Dali-dali ko siyang tinalikuran at,
"A-Ah, e-eh, h-hmp. I-I w-want to t-talk to y-you," I said shakingly.
"S-Sa baba na lang k-kita hihintayin," sabi ko pa at nagmamadali na sanang lumabas nang harangan niya ang pinto gamit ang isang kamay. At 'yung isa naman ay pinipilit akong iharap sa kanya.
I bit my lower lip because my face was only a span away from his. Pumikit ako nang mas ilapit pa niya ang mukha sa akin. Ang lakas na ang kabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang init ng hininga niya. Alam kong malapit lang ang labi niya sa akin.
"Hinihintay mo ba ang halik ko?" Saka ko pa lamang binuksan ang aking mga mata. Vivi, bakit ka ba pumikit? Baka isipin niya hinihintay ko ang halik niya, kahit ang totoo, hindi ko lang kaya ang makipag eye to eye contact.
"O-Off c-course not! Nagulat lang ako,” sabi ko at mabilis siyang tinalikuran para sana lumabas. My hand shook as I grabbed the door knob to open it. But it won't work.
“P-Please, p-please, makisama ka na,” I pleaded, na para bang makikinig sa akin.
Bakit ba ako natataranta? Ang lakas ng loob kong akitin siya pero wala pa man ay nanginginig na ako. Then finally, nabuksan na rin but suddenly…
“Opps, we are not done yet, Nene,” sabi niya lang at naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere. He picked me up and carried me to his bed. Ito na kaya ang sagot niya? Ang bilis naman yata? Akala ko ba harmless siya.
“P-Please, be gentle.”