Sierra Vivi "Daddy, Mommy," ang masayang boses ni Bettina nang salubungin kami. "How was my Princess?" tanong niya sa anak. "I'm sad daddy, dahil hindi po kayo umuwi kagabi. Pero ngayon kasama mo si mommy hindi na po ako galit," sagot niya sa daddy niya at hinalikan bago lumapit sa akin at yakapin ako. Hinayaan kong hagkan ako ni Bettina. Niyakap ko rin siya habang hinahaplos ang malambot niyang buhok. “Kumusta na ang baby namin?" I asked. Humiwalay siya at… "Mommy, I'm not a baby anymore. Bettina na lang po," aniya na nababakasan ng ngiti sa mukha. Kinurot ko ang pisngi niya at sumang-ayon na lang. "Sige kung ‘yun ang gusto mo. Here regalo ko sa ‘yo. Hindi siya bago pero mahalaga sa akin and teddy bear na ‘to," tukoy ko sa dala-dala ko. "Wow! I super like it po. Thank you mommy,

