Alex Pov... Malaki ang kasalanan ko kay Kayla aminado ako doon pero hindi ba pwedeng humingi ng tawad at bigyan niya ako ng isa pang pagkakataon para maitama ko ang aking pagkakamali. Bakit mabilis siyang nagbago at lumimot? Kasing bilis mo na pagbintangan siya at kalimutan ang inyong pinagsamahan! Kontra kong muli. Sh*t Alex! Mura kong gustong manuntok para mailabas ang aking galit at pagkainis. Idagdag mo pa si Erik na biglang umeksena. Umalis ako sa kanyang opisina na nanggigil sa inis. Bakit si Erik? Sa dami ng bakit na tanong ko kay Erik lang talaga ako hindi mapakali. Bakit Kayla? Ganun na ba kadali naglaho ang pagmamahal mo sa akin? Wala bang second chance o last chance man lang. Mas pinili ko ang umalis baka masapak ko pa si Erik at lalong hindi na ako mapapansin ni Kayla. Uma

