July 7 ANG DAMING TEXT messages ni Kaye sa akin. Nakalimutan ko nag-e-exist pala ‘yon. Biro lang. Nakatulugan ko na nga. Panay kasi ang update sa akin ng kalagayan nila Sara at Brad. Marinig ko pa lang kasi ang pangalan no’ng Brad, awtomatiko na akong nawawalan ng gana. Besides, nandiyan naman si Cielo. Hindi naman naubusan ng itsitsimis iyon, eh. Siya lang ata ang lalakeng nakilala kong mahilig sa tsimis. Nangunguna pala si Domingez, I stand corrected. Pumapangalawa lang si Cielo. Habang binabasa ko ang mensahe ni Kaye, nag-aalmusal na ako. Tanaw kong bumababa ng hagdan si Evan mula sa kwarto nito. Hindi niya ako pinansin at kumuha lang ito ng tinapay sa cupboard at tubig saka umalis. Nakita kong pinanonood kami ng parentals namin. “Hijo,” pukaw sa akin ni Papa. Nope. Tumayo ako. “I’

