August 10 MAY PROFESSOR NA kami sa Humanities. Babae naman. Si Ma’am Sta. Ana. Kasamang umalis ni Marcus ang mga grado ng klase namin. Exam week na at si Ma’am Sta. Ana din ang proctor namin. Binalita nga nito na ito na ang bago naming propesora. Sa kaalamang walang grades na makukuha sa class standing ay pinag-double time kami. Sari-saring proyekto ang ibinato sa amin. Pandagdag grade na lang ang journal namin. Hindi na ito ang pagbabasehan ng kabuuang grade sa semestreng ito. Tatlumpung minuto lang ang kinailangan ko para matapos ang eksamin sa Humanities. Lumabas na ako at nag-almusal. Sunod-sunod ang naka-schedule na mga asignatura ngayon na kukunin ko. Sa loob ng tatlong oras ay natapos ko ang naka-schedule na midterm. Hudyat na pupunta na ako sa trabaho ko. Ipinaalam ko na tatlong

