ALEXA "Jake?" Kahit mahina malakas sa pandinig ko yung binitawan niyang salita nakatulala lang siya sa lalaking nasa harapan namin. Tumayo siya at niyakap yung jake na tinutukoy niya nakatingin lang ako sa kanilang dalawa nakita ko na yumuyogyog ang balikat ni hermione kaya alam kong umiiyak na siya sa oras nato. Gusto kong lapitan siya pero napako lang ako sa kinatatayuan ko masakit sa mata dahil hanggang ngayon mahal pa din niya si jake na ngayon masakit na makita silang magkayakap. Gusto ko siyang hablutin sa lalaking kayakap niya pero ume- echo sa akin ang sinabi ni hermione na 'mag asawa lang tayo sa papel' "jake bakit hindi ka nagpakita sa akin? Bakit ka naglakas ng loob ipagpaban ako kay daddy? Bakit pumayag ka sa gusto niya naghintay ako jake... naghintay ako" umiiyak

