Chapter 10- Her Angelic voice

1749 Words
Nang makalabas ako nang Clinic. Pinayagan ako ni sir Alex na mag pahinga muna. Buti na lang good mood si tanda. At himalang hindi rin mababawasan ang sahod ko, buo ko pa rin itong makukuha. Ayon lang paano kaya ang raket ko nito. Haixt! "Hmm! Mukhang alam ko na ang gagawin ko. Brilliant idea Alexa," bulong ko sa sarili. Dahil sa buong maghapon lang akong nasa kwarto at nakahiga hindi ko maiwasang maboring. Kaya naman naka isip ako nang paraan para tumakas. Tumayo ako at nag ikot-ikot sa paligid, halos mahilo na lang ako wala pa rin akong nakitang daanan. Hanggang sa naka kita ako nang lumang gitara kaagad ko itong kinuha at pinunasan, dahil sa punong puno na ito nang alikabok at halata naman na luma na ito. Pero hindi basta basta ang brand nito, kaya naman tinipa ko ang strings nito at himala naman na gumana pa ito. Kaya naman nagpatuloy ako sa pag gamit nito at sinabayan nang pag kanta. --- Habang naglalakad si Alex patungong dagat para mag turo nang surfboard sa mga turista, hindi nakaligtas sa'kaniyang pandinig ang isang boses mala anghel, kaya naman sinubukan niyang hanapin kung sino at saan ba nang gagaling ang boses na narinig niya. Nag lakad siya at sinusundan ang tinig nito, pero nang malapit na siya bigla naman itong tumigil kaya hindi na malaman nito kung sino nga ba ang babaeng misteryosa ang boses. Nag tagal p sya bago niya naisipang mag lalad papalayo rito. Sa daan pala isipan sa'kaniya kung saan nang ba ang nasa likod nang boses nito. "Hmmm! Malalaman ko rin yan," usal niya. Napasapo siya nang maalala na may kailangan pa pala siyang gawin, kaya naman naglakad na siya papalayo rito at nag tungo sa dagat. Habang si Alexa naman ay muling kumanta hanggang sa ma relax siya. Hindi naman kasi siya makalabas basta basta dahil binilinan siya ni Alex. "Hmmm! Hindi naman siguro magagalit si sir kung lalabas ako sandali." wika ko. Nang makalabas ako nang pintuan, kaagad akong kumaripas nang takbo patungong dagat. Nakaka relax ang simoy nang hangin sa labas at hindi na ka taka taka pa kung madaming gustong mag punta rito. Sa ganda nang resort talagang babalik balikan mo. Napaupo ako sa mga malalaking batuhan at kitang kita ko ang isang tao sa 'di kalayuan na nakasakay sa surfboard at may kasama itong isang babae. Kilig na kilig siya sa dalawa, dahil akala niya ay isa ito sa couple na nagbabakasyon lamang. Pero habang palapit nang palapit ang mga ito, biglang nawala ang ngiti niya at napalitan nang lungkot na may kasamang inis. Lalo na nang biglang halikan nang babae ang lalaki. Alam niya naman na wala siyang karapatan sa lalaki, dahil unang una hindi pa naman niya ito sinasagot. Pangalawa, hindi pa sila magka relasyon. "B-weset! talaga bakit ba ganyan siya." inis na wika ko. Pabalik na sana ako nang biglang tawagin ako ni sir Alex. "Haixt! Ano na naman kayang kailangan nito sa'akin," usal ko. "Alexa, wait!" naririnig kung sigaw nito. Pero dahil inis ako kay sir Stephen, nagpatuloy ako sa paglalakad at patay malisya lang sa pag tawag ni tanda. "Alexa, one, two, three, four, five, six, seven, eighth, nine and ten," malakas na sigaw nito. Kaya naman sa takot ay kusa na lang akong natigil sa paglalakad. "Baliw! ba siya ano 'yong binibilang niya." inis na bulong ko. "I said wait," bulyaw niya. Sabay hila nang kamay ko at nawalan ako nang panimbang sa lakas nang impact nang pagkaka hila niya sa'akin kaya naman nag slowmotion ang lahat sa paligid ko at biglang nag tama ang mga paningin namin. Sabay kaming bumagsak, siya sa buhanginan at ako naman sa malapad na dibdib nito. Ang hindi ko lang inasahan nang biglang nag tama ang mga labi namin. For the first time na halikan niya ako. Para akong nasa cloud nine at wala akong nakikita kundi si sir Alex. Natigil lang ang moment na 'yon nanh bigla kaming nakarinig nang boses; "Alex, Alexa?" gulat na tanong nito. Kaya naman sa gulat ni sir Alex naitulak niya ako sa may gilid. Walang hiya talaga! kainis. "Oh! Bro, How's your surfing with Nathalia?" tanong nito. "Hmmm!" tikhim nito. Mukhang badtrip si sir Stephen kaya 'yong girl na lang ang nagsalita. "It was fun and good." wika nito. Then I love the place, also." she added. "It's nice to heard that, Nathalia. I hope you will stay here longer," biro ni sir Alex, sabay tawa nang malakas. Hmm! Sana ganyan rin siya sa'akin. Kayang tumawa kapag kaharap ako. Hindi 'yong, lagi siyang naka bulyaw na parang may dalaw everyday, daig pa ang mga babae 'kung mag sungit. 'Di ko maiwasang mainggit sa Nathalia na 'yon. Kani kanina lang nakikipag halikan siya kay sir Stephen, ngayon naman kung makalingkis kay sir Alex, daig pa ang sawa! Bad trip talaga. Wait! Kiss! Muli ko na naman naaalala ang naganap kanina. Kahit smack lang 'yon. Hindi ko malilimutan 'yon, lalo na para akong biglang nakuryente na lamang at nag slowmotion ang lahat. Ganito siguro talaga ang pakiramdam na mahalikan ka nang crush mo. Haixt! "Kailan mo kaya ako mapapansin?" usal ko. Dahil sa hindi ko kinakaya ang lantarang pang lilingkis nito kay sir Alex, napag pasiyahan ko na lamang na bumalik nang kwarto ko. Bahala sila sa buhay nila! -- Kanina pa ako palinga linga, hindi ko pa rin makita ang anino nang batang 'yon. Ano kayang trip niya, bakit siya biglang umalis. Para naman kasing sawa 'to si Nathalia, ayaw yata akong bitawan. Tinanong ko lang naman kung kamusta ang bakasyon niya rito sa resort ko, ayaw na akong pakawalan. Kani kanina lang gusto niya kay Stephen sumama, tapos ngayon naman halos ayaw niya nang pansinin 'to. Ganyan ba talaga silang mga babae napaka moody, sala sa init sala sa lamig. "Nathalia, nice meeting you. But I have to go. I need to do something important." wika ko sabay alis nang kamay nito sa braso ko. Mamaya may maka kita pa sa'amin at isipin pang girlfriend ko siya. "Ahm! Alex, pwede mamaya na lang?" malanding tanong nito at tila inaakit pa ako sa lambing nang boses niya. "Huh! Hindi kasi pwede talaga. Pasensya na!" saad ko. Gusto ko na kasing umiwan rito. Kung pwede ko lang 'tong sigawan, dahil kanina pa ako naaalibadbaran sa mukha niya at sa mga kinikilos niya. Kaso hindi ko pwedeng gawin 'yon sa guest, masisira ang resort ko. Lalo na siya, isa pa naman na sikat na modelo si Nathalia sa Manila. Isang post lang nito sa igramable niya, tiyak kakalat ito sa lahat nang social media. Kaya talagang pinapakisamahan ko siya kapag nag pupunta siya rito sa resort ko. "Ganon ba! Sige next time na lang ha!" wika nito sabay halik sa'akin. Sinadya kung umiwas para sa pisngi niya lang ako mahalikan. "Sige na! Nathalia, next time na lang!" wika ko. Tango lang ang isinagot nito bago mag martsang papalayo. Alam kung nainis ito, pero hindi ko na inisip 'yon ang mahalaga ay kinausap ko naman siya nang maayos. Nagmamadali akong naglakad at hinanap si Alexa. Kailangan kung magpaliwanag rito, lalo na sa naganap kanina. Hindi ko naman kasi sinasadya 'yon, kaya kailangan ko siyang maka usap at baka bigyan pa niya nang kahulugan ang nangyari. At isa pa anong ginagawa niya roon, gayong pinapag pahinga ko siya. Tigas rin talaga nang ulo nang batang 'yon. Habang lalakad ako palapit sa kwarto niya nakasalubong ko si Winona, kaya nag tanong na rin ako rito. "Winona, nakita mo ba si Alexa?" tanong ko. "Oh! Sir, kanina lang po. Nasa kwarto na niya yata. Bakit po may kailangan po ba kayo sa'kaniya?" tanong nito. "Ah! Wala naman may itatanong lang ako sa'kaniya." sambit ko. "Ah! ganon ba sir. Puntahan ko po ba?" tanong niya. "Ay! Hindi na ako na lang. Salamat, Winona," saad ko. "Sige po sir, mauna na po ako. Salamat rin po." sagot niya. Nag lakad na ako patungong kwarto nito. Nang marinig ko na naman ang tinig kanina nang magandang boses na nakaka halina sa pandinig. Habang palapit ako nang palapit sa kwarto nito mas lumalakas ang boses. Nang makarating ako sa mismong kwarto nito, naka ilang buntong hininga muna ako bago kumatok rito. "Sandali," sigaw nito. Napasin ko rin na wala na ang boses kanina. Mukhang nagulat ito nang makita ako. Daig pa naka kita nang multo. "S-sir A-Alex? Ano pong ginagawa nyo rito?" tanong niya. "Tatanungin muna lang ba ako o gusto mo kung papasukin man lang," pagsusungit ko. "Ay! sige po tuloy po kayo." sagot niya. Sabay pagpag nang upuan at halos lahat na yata nang alikabok ay napunta sa balat ko. Naupo ako sa isang upuan, bakit kaya ganito ang room niya. Talagang magkakasakit ito. "Alexa, marunong kang mag gitara?" wala sa hulog na tanong ko. Nang mapansin kung may hawak siyang gitara. "Ah! opo sir. May banda kasi ako dati sa probinsya." sagot niya. "Hindi ko naman tinatanong." sagot ko. "Ah! okay. Eh! Bakit nandito kayo, ano bang sadya niyo dito. May bagyo ba mamaya?" tanong niya. "Huh? Anong connect nun? nagtatakang tanong nito. "Wala naman sir. Baka lang kasi lumakas ang hangin at sumama pa." wika niya. "Anyway hindi na ako magpapaligoy ligot pa. Forget that kiss! Wala lang 'yon, wika ko. "Okay! Wala rin lang sa'akin 'yon. Kung 'yon lang naman ang sadya nyo rito, mawalang galang lang po pwede na kayong umalis." mariing na wika nito.. "Okay! Mabuti nang clear ang lahat," wika ko. Sabay tayo at labas nang pintuan. Haixt! Alex, hindi naman dapat 'yon ang sasabihin ko. Tinamaan lang ako nang ego ko! Halata kasing ayaw niya akong pumunta rito. Pero akalain mo 'yon, siya pala ang may ari nang magandang boses na 'yon. Hindi ko akalain na may tinatagong talent ang batang 'yon. Wala kasi sa itsura nito, akala mo puro bulakabol at flirt lang ang alam. Lalo na kapag nalapit siya sa pinsan ko, halos kumulo ang dugo ko. Hindi ko nga alam kung bakit nagseselos ako kapag nakikita kung magkasama silang dalawa. Lalo na kapag naabutan ko na may moment sila. Kung 'di ko nga lang pinsan ang kasama niya matagal ko nang sinapak ito. Pero wala nga pala akong karapatan magalit kung sino man ang kasama niya, dahil boss niya lang naman ako. Naglakad na ako papalayo rito at bumalik nang resort. Marami pa akong trabaho at paper works na gagawin para sa kasal sa Sabado. Nakakahiya naman sa couple kung hindi ko masasatisfied ang gusto nilang ayos nang kasal nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD