Chapter 2

2585 Words
AWTOMATIKONG napangiti si Lyn nang makita niya kung sino ang nagsalita. Sa tantya niya ay nasa sampung taong gulang ang babaeng kaharap na niya ng mga oras na iyon. Tulad niya ang maganda ang pagkakangiti nito sa kanya marahil ay akala nito na isa siyang guest sa resort. Masaya siya dahil alam niyang madali siyang makakakuha ng impormasyon sa batang kaharap niya ngayon. Habang lumalapit siya sa batang babae ay mas lalo niyang napapansin ang kaputian na lalong nagpapaangat ng kagandahan nito. Idagdag pa ang mahaba at kulutang buhok nito. Walang dudang pipilahan ito ng mga lalaki kapag nagdalaga na. Lumuhod si Lyn sa batang babae para magpantay ang paningin nila. Nginitian niya ito ng matamis para mas lalong isipin ng bata na mabait siyang tao. “Hi, little princess.” wika niya sabay hawak sa kulutang buhok nito. “Where are your parents?" Pero imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi nito. “Ilang days po ninyo gustong mag-stay? We do have many rooms available today.” Sa sinabi nito ay doon siya lalong napangiti. Halata talaga ang eagerness nito na makakuha ng guest. Sa palagay niya kasi ay walang masyadong kinikita ang resort na iyon. Kaya ganoon nalang siguro ang eagerness nito na i-convince siyang mag-stay doon. “What’s your name? Dapat bago mo i-endorse ang business mo, you should tell your name first to your target customer.” ani niya na hindi pa din nawawala ang ngiti niya. Masyado kasi siyang naaaliw sa bata. Base din sa pagsasalita nito ay halatang malatalino ang bata. Mukhang sa murang edad nito ay business minded na agad. “I am Bella.” alive na sagot nito sa kanya na may kahalo pang tango. “Can I continue?” “Sure, little princess. So, ilan ang available rooms niyo today?” Saglit na tinitigan siya ni Bella na marahil ay nag-iisip ng sagot sa tanong niya. “We have ten available rooms. Hindi kasi natuloy yung guest ngayon.” wika nito na medyo malungkot ang tono. Napabuntong-hininga nalang si Lyn. Kahit na gustuhin man niyang mag-stay sa resort na ito para pagbigyan ang bata ay hindi maaari dahil two days din ang nabayaran niya sa hotel niya sa Badian. Isa pa, as much as possible ay kailangan niyang tipirin ang natitirang pera niya. “Nasaan ang parents mo, Bella? Nasaan ang mga staff ng resort niyo?” “Si Daddy at ako lang po ang nagbabantay dito sa resort, Ma’am. Sina Manang Salve naman ay busy sa kusina at si Mang Lino sa garden.” magiliw na sagot nito sa tanong niya. “Call me Lyn, princess.” nakangiting wika niya dito. “Mukhang paglaki mo magiging magaling na negosyante ka.” Umiling-iling si Bella. “Mas gusto ko lang na lumago at mapaganda ang resort. Ilang days po ba kayo mag-stay dito?” Habang sinasabi nito iyon ay napahawak ito sa braso niya. Halatang nakikiusap ito sa kanya at eager na mag-stay siya sa resort. “Ganito, kapag nasagot mo ang tanong ko I’m willing to stay here.” Sa narinig ay awtomatikong nanlaki ang mga mata nito sa tuwa. “Really? You will stay here in one week?” Natawa siya. “I didn’t say I will stay here in one week. Pero sige, I’ll think about it once you answer my questions.” “You promise?” tanong ni Bella na parang gusto nitong manigurado sa sinabi niya. “I promised.” Tumatango-tango ito. “What do you want to know?” “Nandito ba si Marlou Quijano?” agad na tanong niya sa bata. Hindi na siya dapat pang mag-aksaya ng panahon kaya minabuti nalang niyang direstuhin na agad si Bella sa tanong. Isa pa ay hindi ordinaryong bata ang kausap niya ng mga oras na iyon dahil nga matalino ito. Malakas din ang hinala niya na kamag-anak ito ni Marlou. “Friend ko kasi siya at matagal ko na siyang hinahanap, Bella. Baka alam mo kung nasaan siya?” Napansin ni Lyn na nawala ang magandang ngiti sa labi ni Bella at napalitan ng seryosong mukha pagkarinig sa pangalan ni Marlou. “Wala dito si Tito Marlou.” matipid na sagot nito sa kanya. Agad na kumabog ang dibdib niya pagkarinig niya ng salitang Tito. Sinasabi na nga ba’t tama ang hinala niyang kamag-anak nito ang hinayupak na Marlou na iyon. At alam niyang wala na siyang dapat na palagpasin na pagkakataon. Gagawin niya ang lahat para sabihin ni Bella ang lahat na nalalaman nito tungkol sa kinaroroonan ng Tito Marlou nito. Tiyak niyang may ideya ito kung nasaan si Marlou. Marahan niyang hinaplos-haplos ang buhok ni Bella at pinalambot ang tinig niya. “Don’t worry, little princess. Kaibigan ako ng Tito Marlou. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita. Can you tell me where he is right now?” wika niya habang nakangiti ng matamis sa bata. Kung alam lang nito kung anong klaseng eagerness ang nararamdaman niya sa kaloob-looban niya. Na bawat saglit ay para bang ang bagal-bagal. Gusto na niyang malaman ang kung nasaan si Marlou at mabawi na niya ang pera niya dito. Sana lang talaga ay makisama sa kanya ang pagkakataon ng mga oras na iyon. “He’s not here.” Sa sinabi nito ay medyo nawala ang maganda pagkakangiti niya dito. “Darling, hindi ako masamang tao. I just want to talk to your Tito Marlou. Nandito ba siya sa resort?” wika niya habang nililibot ng tingin ang buong reception ng hotel. “I already answer your question. And you promise me to stay in our resort.” Muli binalingan ni Lyn ng tingin si Bella. “Darling, hindi mo pa sinasabi kung nasaan ang Tito Marlou mo.” “I don’t know where he is.” “Look-” “Daddy!” sigaw ni Bella na hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya. Doon siya medyo nataranta. Kung tatawagan nito ang parents nito ay tiyak na wala siyang makukuhang impormasyon sa bata. “Bella, just answer my question. Nasaan ang Tito Marlou mo?” wika niya na medyo gigil na. Naiinis siya everytime na hindi pumapanig sa kanya ang mga plano niya. Pero imbes na pansinin siya ni Bella ay muli nitong tinawag ang Daddy nito. Ilang beses din nitong tiwagan ang Daddy nito kahit na anong pigil niya dito. Ilang saglit lang ay may narinig siyang baritonong tinig na nagsalita sa likuran niya. “Anong nangyayari dito? May guest ba tayo ngayon, Bella?” Hindi agad nakalingon si Lyn. Kailangan muna niyang mag-isip kung anong approach ang gagawin niya sa Daddy ni Bella. Kung yung bata nga, hindi niya magawang mauto. Yung pa kayang matanda? Ipinilig niya ang ulo. Dapat kahit na anong mangyari ay maging positibo siya. Malay ba niya kung mas makakausap niya ng masinsinan ang Daddy ni Bella. Alam niyang kapag naipaliwanag niya dito ang side niya at kung bakit niya hinahanap si Marlou ay feeling niya maiintindihan din siya nito. Huwag lang sana na balak pala nitong itago sa kanya ang lalaki. Think positive, bruha! Kailangan mong mabawi ang pera ng Daddy mo kung gusto mo pang mabuhay ng matagal! paalala niya sa sarili niya. Tama. Kailangan niyang maging positibo sa lahat ng bagay para sa future niya. Ayaw naman niyang umabot pa sa point na talagang itatakwil siya ng Daddy niya at wala siyang makukuhang kahit na isang singko sa kayamanan nila. Hindi pwedeng ang Kuya Albert lang niya ang makinabang sa pera ng pamilya. Humugot muna si Lyn ng isang malalim na hininga bago tumayo at hinarap ang lalaki na nasa likuran niya. Hindi niya alam kung anong magneto ang mayroon sa lalaki na ngayon ay kaharap na niya ng mga sandaling iyon at para bang hindi niya yata maalis ang mata niya sa pagkakatingin dito. Bakit nga ba hindi? Hindi naman sa pagiging overeacting pero talaga namang gwapo ang lalaking kaharap niya ng mga oras na iyon. Hindi lang sa dahil sa Moreno, tangkad at magandang features nito kaya siya natutulala dito ng mga oras na iyon. Bakit nga ba hindi? Kasing lakas ng s*x appeal nito si Daniel Matsunaga! Moreno version nga lang ang lalaki at may kaunting balbas. Hindi niya napigilan ang sarili niya na mapalunok habang tinitignan ang katawan nito. Mas maganda pa yata ang katawan nito kay Daniel Matsunaga! At sa tantya niya ay nasa thirtys na ang edad nito na mas bumagay sa maturity nito. “Welcome to Paradise Resort.” Habang sinasabi iyon ng lalaki ay tuloy-tuloy na nilapitan siya nito. Napapitlag siya ng bigla nalang nitong kunin ang kamay niya at nakipag-shake hands. “You will never regret staying in our resort, Ma’am. By the way, I’m Makki Quijano. I’m the owner of this resort.” wika nito sabay baling kay Bella na ngayon ay nakamasid lang sa kanilang dalawa. “And this is my daughter, Bella.” “Ha?” wika niya habang nakatingin pa din sa mukha ng lalaki. Bakit ganito nalang ang inaasal niya sa harapan nito? Ganito ba talaga kalakas ang charisma ni Makki? Wake up, idiot! May asawa na ang kaharap mo! saway ng isipan niya sa kanya. Pero hindi man niya gusto ay may naramdaman siyang panghihinayang sa kaalaman na may asawa at anak na ang kaharap niya ngayon. Bumalik lang siya sa sarili niya ng ito na mismo ang bumitaw sa kamay nito. Teka, bakit parang ang init ng kamay nito? Gaga, Lyn! Mainit kasi buhay pa siya! Umayos ka! Kailangan mong malaman kung nasaan ang hinayupak na si Marlou! tuya ng isipan niya sa kanya. Pero hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ng magsalita na ulit si Makki. Mukhang tulad ni Bella ay eager din itong mag-stay siya sa hotel base na din sa klase ng pagkakangiti nito. “I can give you 30% discount if you will stay in our resort for two day.” nakangiting wika nito sa kanya na nag-alok pa ng promo. Ilang saglit lang siyang nakatingin sa gwapong mukha ni Makki. Maya-maya ay ipinillig niya ang ulo para tumino naman ang daloy ng isip niya. Tumikhim muna siya ng ilang beses bago nagsalita. “I’m Lyn Siega. Actually kaya ako nandito para-” “She’s looking for Tito Marlou, Daddy.” singit ni Bella sa sinasabi niya. “Sorry? Again?” tanong ni Makki na ngayon ay nawala na ang magandang ngiti nito sa labi. Katulad na katulad din ang naging reaksyon ni Bella ng malaman na si Marlou ang hinahanap niya. Ang pinagkaiba lang ay naging matalim na ang pagkakatingin nito sa kanya na para bang isa na siyang kaaway nito. Doon nakaramdam ng kaba si Lyn. Kung tama ang kutob niya, mukhang wala siyang malalamang impormasyon sa mag-ama. “You’re not staying here in our hotel?” Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago sumagot sa tanong nito. “No. Actually, hinahanap ko talaga si Marlou at may nakapagsabi sakin na may resort ang pamilya niya dito sa Badian, Cebu. I’m his friend at matagal ko na siyang hinahanap-” “He’s not here.” “May nakapagsabi sakin na nandito siya.” pilit niya kay Makki. Mukhang mas lalong tumitibay ang hinala niyang tinatago nito si Marlou. “Matagal ng hindi pumupunta dito si Marlou. Hindi ko din alam kung nasaan siya ngayon. Kaya makakaalis kana sa resort.” “Look, wala naman akong gagawing masama kay Marlou kung iyon ang iniisip mo kaya mo siya tinatago. I just want to talk to him. Gusto ko lang siyang makausap. Just tell me where he is right now.” She may sound deperate pero na siyang pakialam. Gusto lang niyang matapos na ang paghihirap niya. “I don’t care kung may gawin ka mang masama kay Marlou. And I will repeat myself, he is not here.” madiing sabi ni Makki sa kanya habang diretso ang pagkakatingin nito. Walang-wala na dito ang warm welcome presense nito at magagandang ngiti sa labi tulad ng ipinakita nito kanina sa kanya bago nito nalaman na hinahanap niya si Marlou. Kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pagkaduda. Humawak siya sa braso ng lalaki at nakiusap. “Please, nakikiusap ako. Sabihin mo na sakin kung nasaan si Marlou. Kahit na ano pang kapalit ang gusto mo. I’m willing to stay in your resort kahit na ilang days pa.” Nang walang epekto pa din ang pakiusap niya sa lalaki ay bigla siyang nag-iba ng taktika. “Or I can help you with marketing strategies para maka-recover ang resort niyo. You know what, magaling ako sa business at kaya ko kayong tulungan. Basta sabihin mo lang kung nasaan ngayon si Marlou.” nakikiusap na sabi niya sa binata na kulang na lang yata ay lumuhod siya dito. Ilang saglit lang siya nitong tinitigan sa mukha bago nagsalita. “No.” madiing sabi nito sabay tanggal sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. “I forgot to tell you, sarado na ang resort ngayon. You may leave now.” sabi sa kanya ni Makki habang tinuturo ang pintuan palabas. Umiling-iling siya. “No! Hindi ako aalis hanggat hindi mo sakin sinasabi kung nasaan si Marlou!” gigil na sabi niya dito. Hindi yata siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagod at hirap niya makarating lang sa resort nito. Nagulat siya ng bigla nalang siya ulit hawakan ng mahigpit ni Makki sa braso at sapilitang inilabas sa resort. At dahil di hamak na mas malaki sa kanya si Makki ay wala na siyang nagawa hanggang sa makarating siya sa labas ng gate ng Paradise Resort. Walang salitang isinara nito ang gate at ni-lock. “Bakit mo ba tinatago si Marlou?! Siguro kasabwat ka niya sa ginawa niyang panloloko sakin?!” galit ng sabi niya sa lalaki. Tinignan siya nito ng masama. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Miss. Mabuti pang umalis kana kung ayaw mong tumawag ako ng pulis.” “Kung hindi mo siya kasabwat, sabihin mo na sakin kung saang lungga nagtatago ang lalaking iyon para lubayan na kita!” Iritableng binalingan siya ulit nito. “How many times do I hava to tell you na hindi ko alam kung nasaan si Marlou? Hirap ka ba sa pag-intindi?” Hindi na siya nito hinintay sumagot at tumalikod na paalis. Habang siya ay nanggagalaiti sa galit ng mga oras na iyon. Hindi talaga nawawala ang kutob niyang nagsisinungaling si Makki. Alam niyang alam nito ang kinaroroonan ni Marlou. Hinding-hindi siya susuko hanggat hindi niya nalalaman ang impormasyon na iyon. Kahit na araw-araw pa niyang balikan ang resort na ito. Inis na sinipa muna ni Lyn ang gate ng ilang beses bago siya kumalma. Papatalikod asana siya paalis ng resort ng marinig niya ang boses ni Bella na ngayon ay sumunod pala sa kanila palabas. “Alam ko kung nasaan si Tito Marlou.” Parang magic word iyon sa pandinig ni Lyn kaya awtomatikong napabalik siya sa gate. “Really? Tell me, Bella. Where is your Tito Marlou?” Ilang saglit muna siyang pinagmasdan nito na halatang pinag-iisipan nito ang susunod na sasabihin sa kanya. “Meet me here tomorrow morning. I will tell you the details.” “What?” gulat na sabi niya. Nataranta siya ng bigla nalang itong tumalikod at tumakbo papasok ng resort. “Bella, bumalik ka dito!” Pero parang walang narinig ang bata at tuloy-tuloy pa din iyon sa pagtakbo. Napamura nalang siya ng malakas ng hindi na niya makita miski ang anino nito. “s**t, Lyn. s**t. Now what’s next?” malakas na kausap niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD