"What's this?" nakakunot ang noo na tanong ko kay Mira habang ko hawak ang isang puting sobre na inilapag niya sa aking mesa.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng aking opisina. Ako na ngayon ang Marketing Manager ng LG Corporation buhat nang mabawi ito nina Sir Nicholas mula sa kaniyang kinalakihang ama isang taon na ang nakakalipas.
"Open it," aniya habang nakatingin sa akin na para bang binabantayan niya ang magiging reaksiyon ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at inilabas ang ilang pirasong papel na naroon saka binasa iyon. Nanlaki naman ang mga mata ko pagkatapos ko iyong mabasa.
"I-Is t-this for real?" nauutal na tanong ko sa kaniya habang nanlalaki pa rin ang aking mga mata. Hindi ako nakatingin sa kaniya bagkus sa ibinigay niya.
"Yup! Beacause you deserve it," aniya na todo ang ngiti sa naging reaksiyon.
Napatayo ako at mahigpit kong niyakap si Mira. Isang ticket papuntang Isla El Cielo at reservation sa isang Villa roon ang laman ng sobre. Napakahirap makarating sa islang iyon kung hindi ka miyembro ng Alta - isang asosasyon ng mga mayayaman. Mabuti na lamang at kaibigan ni Sir Nicholas ang may-ari ng Isla kaya madalas din doon ang mag-asawa. At maging si Jake - ang manloloko kong ex-boyfriend kapag andito siya sa Pilipinas. Saglit na sumilay sa aking mukha ang lungkot nang pumasok sa aking isipan ang kaniyang pangalan.
"What's wrong?" tanong sa akin ni Mira. Napansin niya marahil ang naging itsura ko nang maalala si Jake.
"N-Nothing," tugon ko. "After a year ay makakapagbakasyon na rin ako at bongga pa. Thank you talaga, Mira," sabi ko pa na todo na ang ngiti.
"You're welcome! Mag-enjoy ka roon at 'wag mong iisipin itong kompaniya. As if hindi siya nag-i-exist, okay?" aniya.
"Puwede ba 'yon? Alam mo naman kung gaano ako ka-busy rito sa office. Saka kilala mo ang asawa mo at future brother in law. Halos maya't maya ang tawag sa akin," pasimpleng maktol ko kay Mira.
Totoo naman kasi ang sinabi ko. Mabait sa mabait ang magkapatid kong boss pero iba sila pagdating sa trabaho. Napakaseryoso nila kaya lalong lumago ang kanilang kompaniya.
"Don't worry about them at ako ang bahala sa kanila. Boss mo sila pero ako ang boss nila," aniya saka kinindatan ako at nagtawanan kaming dalawa. "Saka alam naman nila ito at sila pa nga ang nag-suggest sa akin na sa Isla El Cielo ka pagbakasyunin kaya lagot sila sa akin kapag ginulo nila ang bakasyon mo," dagdag pa niya.
Naniniwala ako sa sinabi ni Mira dahil alam kong takot sa kaniya sina Sir Nicholas at Nick. Alam nila kung paano magalit ang best friend ko at wala silang panama sa galing niya sa diskusyon. Palibhasa eh abogada siya.
"Sulitin mo ang isang linggo mo sa Isla dahil matatagalan na naman bago 'yan masundan," biro pa niya sa akin.
"Don't worry and I'll do that. For sure ay tatambakan mo na naman ako ng trabaho pagbalik ko para makabawi sa gastos," pabiro ko ring sabi sa kaniya.
"What's new?" aniya sabay kibit-balikat. "Kailangan nating magpayaman ng husto para barya lang ang pagpunta sa Isla El Cielo," dagdag pa niya at nagkatawanan naman kaming dalawa.
"Thank you, Lord for giving me a generous and loving friend," sabi ko sabay tingin sa itaas.
"Bolera! Pero thank you na rin. Pareho lang naman tayo," aniya at kinidatan ako.
"We're friends... That's why."
Muli kaming nagkatawanan saka niyakap ko uli si Mira. Nami-miss ko na rin ang ganito dahil sa madalang na rin namin itong nagagawa. Palagi na kaming busy sa trabaho ay siya ay may asawa at anak na.
"O siya, tama na ang drama at baka magkaiyakan pa tayo. Just make sure na maibilin mo lahat kay Evelyn ang mga trabaho na maiiwan mo dahil kung hindi ay asahan mo na ang phone calls sa bakasyon mo," sabi ni Mira sabay kalas sa akin.
"Masusunod, Madam," tugon sabay kindat sa kaniya.
Panay pa rin ang tingin ko sa ticket at hinalikan ko pa iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na totohanin ni Sir Nicholas ang biro nila sa akin noon ni Mira na ipapadala nila ako sa isang Isla kapag maayos na ang takbo ng kompaniya.
"Iiwan na kita at marami pa rin akong aayusin sa opisina. Enjoy!" ani Mira at kumaway pa sa akin bago umalis sa aking opisina. Kinawayan ko rin siya habang todo ang aking ngiti.
Pagkaalis ni Mira ay tiningnan ko sa internet ang Isla El Cielo. Lalo tuloy akong na-i-excite sa aking bakasyon habang tinitingnan ang mala-paraisong Isla. Halos hindi na nga ako makapag-concentrate sa aking trabaho dahil panay ang singit sa aking isipan ng Isla El Cielo. Iniisip ko rin kasi kung paano ko susulitin ang isang linggo na bakasyon lalo na at maraming puwedeng gawin sa islang iyon. Napaka-swerte ko talaga at may Alta na rin akong kaibigan.
"Enough, Hazel. Mag-concentrate ka na sa trabaho mo dahil mangyayari talaga ang sinabi ni Mira kapag may nakaligtaan ka," sabi ko sa aking sarili at isinubsob ko na ang aking sarili sa mga papeles na nakapatong sa aking mesa.
Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad akong nagpatulong kay Gail sa pag-iimpake. Pinapili ko siya ng mga damit at swimsuit na babagay sa akin. Isang malaking maleta ang dadalhin ko at halos hindi na ako makatulog sa kakahintay na sumapit ang araw na linggo gayong dalawang araw na lamang ang hihintayin ko.
"Hoy! Bakit ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Gail nang madatnan niya ako sa veranda ng aming apartment. Sabado na iyon ng gabi at katatapos ko lang ma-finalize ang mga gamit na dadalhin ko.
"I can't believe na bukas na ang alis ko, Gail. Grabe nanlalamig ako," sagot ko na napaka-OA pa ang dating sa akin.
"Grabe talaga kasi ang OA mo, te," ani Gail na tawang-tawa sa akin.
"I know pero sa kinakabahan talaga ako na ewan," sabi ko pa saka ipinakita sa kaniya ang braso ko na nagtatayuan ang mga balahibo.
"Ate, bakasyon ang pupuntahan mo at hindi presentation. Isla 'yon at mag-re-relax ka roon. Kung ako sa' yo ay mag-beauty rest ka na at baka makahanap ka ng afam doon. At kapag meron nga ay sunggaban mo na kaagad ha? Huwag ng magpakipot pa. Bukaka agad para hindi na mapanis 'yang nasa pagitan ng hita mo," napakabulgar na sabi ni Gail na ikinagulat ko.
"Hoy, babae... Bakit ganiyan na ang pananalita mo ha? Aba, naloko ka lang ng boyfriend mo pero kung magsalita ka na eh iba na. Umayos ka ha? May afam ka pang nalalaman," sermon ko na nakapameywang pa. Nanlaki pa tuloy ang butas ng ilong ko sa pinagsasabi ni Gail.
"Ito naman si Ate masyadong seryoso. Syempre normal lang na makakita ka ng mga foreigner doon. Saka naka-move-on ka na 'di ba? Mahabang panahon na ang isang taon," sabi pa niya saka pumasok na sa loob ng apartment dahil alam niya na hahaba lang ang usapan. Naiwan naman ako na napaisip sa sinabi niya.
"Naka-move-on na nga ba ako? O in-denial lang ako sa nararamdaman ko kay Jake?" tanong ko sa aking sarili.
Napakasakit ng ginawa ni Jake pero pilit na ipinaliwanag sa akin nina Mira at Sir Nicholas na wala siyang kasalanan at totoong mahal niya ako. Kaya kahit sila ay nakiusap na kausapin ko na siya ngunit nagmatigas ako. At hindi naman nila ako masisisi dahil parang trauma na ang hatid sa akin ng panloloko niyang iyon.
"Ay ewan! Makatulog na nga."
Tumayo na ako at pumasok sa loob ng bahay. Pasado alas nueve na rin ng gabi kaya dumiretso na ako sa aking kuwarto. Wala si Gail sa baba kaya siguradong nagpapahinga na rin siya. Nagpupumilit kasi siya na ipag-drive niya ako bukas hanggang sa sakayan ng private plane patungong Isla El Cielo kahit na sinabi kong magpapahatid na lang ako sa taxi.
Sa sobrang excitement ko ay hindi halos ako nakatulog. Nang marinig ko ang tunog ng alarm clock ay kaagad akong bumangon at naligo. Uminom na lang din ako ng kape bilang almusal.
"Enjoy, Ate! Sana may mabingwit ka ro'n na jowa," pang-aasar uli sa akin ni Gail nang makababa na ako ng kotse.
"Anong tingin mo ang gagawin ko roon mamimingwit ng lalake?" asik ko sa kaniya.
"Puwede naman para magkajowa ka na," pang-aasar pa niya sa akin.
Isang irap ang ibinigay ko sa kaniya saka kinuha ko na ang aking maleta at hinila na iyon papasok sa lounge area kung saan naghihintay ang mga pasahero. Namangha ako nang makita ko ang aking mga kasabayan. Isang sikat na artista kasama ang politiko nitong boyfriend at ilang mga businessman. Meron ngang mga foreigner na may mga partner din.
Mahigit isang oras din ang nilipad ng eroplano bago namin narating ang Isla El Cielo. Halos lumuwa ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid ngunit pinigilan ko ang sarili na magpahalata.
"Miss Hazel Villa?" tanong ng babae sa akin na nakauniporme ng para sa mga staff doon.
"Yes?"
"Welcome to Isla El Cielo, Ma'am ! I'm Corine, your personal chaperone while you stay here," magiliw na pagpapakilala niya sa akin. Sinabitan niya ako ng isang kwentas na gawa sa mga corals saka inabutan ng medyo basang towel saka cocktail as welcome drink.
"Thank you!" todo ang ngiti ko saka ininom iyon.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig. Hindi ko akalain na VIP pala ang reservation na ibinigay sa akin ng mag-asawa. Sinamahan ako ni Corine sa aking Villa. Pagdating doon ay inilibot pa niya ako para ipakita ang mga amenities ng aking titirhan sa loob ng isang linggo.
"If you need anything, Ma'am, pindutin n'yo lang po iyang red button para mapuntahan ko po kaagad kayo," nakangiti niyang sabi habang itinuturo ang sinasabi niyang red button.
"Really? Wow! Thank you, Corine!"
"You're welcome, Ma'am! If you like rin po na sa labas kumain ay may mga restaurants po sa unahan pati sa hotel. Ipakita niyo lang po iyang VIP card niyo at makakakain na po kayo ng libre even sa bar po," paliwanag pa niya.
"Wow! It's amazing!" bulalas ko.
"Enjoy your stay, Ma'am!"
Nang ma-solo ko na ang villa ay muli ko iyong nilibot. May isang malaking kuwarto, sariling kusina at meron ding swimming pool. May sala rin iyon at mga appliances. Ipinasok ko na sa loob ng kuwarto ang aking maleta at nagpasya akong ayusin muna ang aking mga damit sa loob ng closet. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kahit na wala naman akong kinain kanina. Nakita ko rin na puno ng pagkain at inumin ang refrigerator sa kusina.
"The best talaga ang dalawang 'yon. Hindi lang basta bakasyon itong ibinigay nila sa akin. Magbubuhay prinsesa pa ako sa loob ng isang linggo."
Alas kuwarto na ng hapon nang matapos ako sa pag-aayos ng aking mga gamit. Nagpasya akong magpalit ng damit para makapamasyal na ako sa paligid ng Isla. Balak kong abangan ang paglubog ng araw dahil isa iyon sa main attraction ng Isla. Isang off-shoulder na kulay puting dress na hanggang tuhod ang isinuot ko. Tinernuhan ko iyon ng isang beach bag para lagayan ng aking cellphone, scarf at libro. Nais ko kasing maupo sa buhanginan habang nagbabasa. Nagdala rin ako ng shades dahil may araw pa naman. Naisip ko kasi na bukas na maligo sa dagat. Isang puting sandals din ang isinuot ko sa aking paa.
"Ang swerte talaga ng mga mayayaman na ito. Ang problema lang nila ay kung paano gastusin ang kanilang mga pera," sabi ko sa aking isipan habang naglalakad ako sa buhanginan at pinagmamasdan ang iba pang mga guest.
Nakita ko na merong mga nakahilerang beach benches at nakaharap sa dagat. May mga nakaupo na roon ngunit meron pa namang isang bakante. Mabilis akong naglakad at baka kasi maunahan pa ako.
"Ouch!" hiyaw ko nang mabangga ako sa isang lalake na nakasalubong ko.
"I'm sorry, Miss ___"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang magtama ang aming mga paningin.
"J-jake?" usal ko sa pangalan niya.
Hindi ako sigurado kung may boses na lumabas sa aking bibig ngunit sigurado akong siya iyon. Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya. Mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Tumakbo pa ako nang maramdaman kong nakasunod siya.
"Hazel, please stop." Narinig kong sabi niya ngunit hindi ko iyon pinansin.
Binilisan ko pa ang pagtakbo kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao. Bumalik na ako sa aking Villa. Kaagad kong isinara ang pinto at ini-lock iyon. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang hingal. Napaupo ako sa sahig pasandal sa pintuan saka tumulo ang aking mga luha habang hinahabol ko ang aking paghinga.
"How come na andito rin siya sa Isla? Paano na ang bakasyon ko nito? It's been a year already pero bakit ang sakit pa rin ng ginawa niya? Bakit hindi ko pa rin siya makalimutan?" sunud-sunod kong tanong sa aking isipan.
Muli na namang nanariwa sa akin kung paano ako nasaktan ng labis nang malaman kong ginamit lang pala ako ni Jake. Kahit na nagpaliwanag na sina Sir Nicholas at Mira ay hindi ko pa rin iyon matanggap.
Akala ko noon ay totoong mahal niya ako. Ngunit nang marinig ko ang sinabi niya habang kausap si Sir Nicholas sa cellphone ay para akong binagsakan ng langit. Kaya lang pala niya ako nilapitan ay dahil sa plano niya na makapasok sa kompaniya. Sinira pa niya ang pagkakaibigan namin noon ni Mira. Naalala ko pa kung paano nagalit si Mira sa akin nang malaman niya na boyfriend ko na si Jake.
"Hazel, please open the door. Mag-usap tayo, please."
Panay ang katok ni Jake habang tinatawag ang pangalan ko ngunit hindi ako sumagot. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papasok sa kuwarto. Nahiga ako sa kama at ipinagpatuloy ko ang pag-iyak.
Sa totoo lang ay kahit isang taon na ang nakalipas buhat ng mangyari iyon ay nakakaramdam pa rin ko ng matinding kalungkutan. Akala ko kasi noon ay si Jake na ang lalake na para sa akin ngunit nagkamali ako. Dahil kung gaano kabilis na naging kami ay ganoon din iyon kabilis na natapos. Magkagayon pa man ay minahal ko siya ng husto. At kaya ako nasasaktan hanggang sa ngayon ay dahil sa mahal ko pa rin siya.