Chapter 2

1381 Words
Gianna POV Exact 12 noon nung nakauwi ako, maaga kase yung labasan kanina mga 11:30 ata yun at tsaka naglakad lang ako kahit mainit. At isa rin sa plano ko ay ang mag apply ng trabaho kahit part-time job lang para may pambayad ako sa apartment na nirerentahan ko pero bago yan ay matutulog muna ako at gigising at exact 2pm para makapag apply na. Humiga ako sa aking higaan at nag set sa de-keypad na phone ng 2pm set hour kase baka maging tulog mantika ako mahirap na baka hindi ako makahanap ng trabaho. ...........2pm........... Napa inat ako ng aking katawan ng marinig ko na ang alarm sa de-keypad na phone ko at bumangon na, pumunta agad ako sa cr para makapag-hilamos sa mukha pagkatapos ay agad-agad akong naghanap ng aking sosuotin nakahanap ako ng white long sleeves and fitted pantalon, sinuot ko na ito at tumingin sa salamin ng matapos. "Napakaganda ng aking kasuotan" ani ko sa sarili ko. Talaga naman maganda ngunit hindi na ako nag make-up kase hindi naman ako marunong at hindi rin ako mahilig. Lumabas na ako sa apartment ko dala ang mga form ko para sa pag apply ng trabaho at naglakad lang ako baka may makita akong hiring dito sa pagdadaanan ko, palakad-lakad ako at masyadong magaganda at matataas ang mga gusali dito. Pero may nakakuha ng attention yung cafe na iyon may nakita akong hiring sila. Pinuntahan ko agad at pumasok. "Hi Ma'am, Good afternoon, How can i help you?" Tanong saakin ng babae na sa tansa ko ay isang waitress dito. "Good afternoon, Available pa ba yung hiring niyo dito? Nakita ko kase na may nakalagay sa labas na hiring"ani ko sa kanya na may ngiti. " Yes po, available pa po yun, sorry akala ko kase may bibilhin ka, sa ganda mong mag we-waitress ka lang?"ani nya sa akin na may ngiti rin, napa tawa ako sa sinabi niya para naman kaseng hindi kapani-paniwala. " Nako ayos lang ako, ganito lang talaga akong manamit, kaya inaakala ng iba na mayaman ngunit hindi" Patawa kung saad sa kaniya, maganda lang talaga akong mag damit ngunit hindi talaga mayaman totoo naman yun. "Halika pumasok ka at para mak-usap mo ang manager dito." Aniya sa akin, Agad naman akong pumasok at pumunta sa opisina ng manager. At nakita ko ang isang babae na nakaupo sa swivel chair rin kagaya nung sa opisina ng dean. Mukhang na distorbo ko ata sya, dahil agad itong napatingin saakin. " Ako si Maricel Agpay, ako ang manager dito, Ano ang maitutulong ko sayo iha?" "Magandang hapon po,ako po si Gianna ramirez nais ko po sanang mag apply ng pagiging waitress." Usal ko sa manager na babae "Oh my god , You're beautiful hindi ka nababagay dito iha, chose lang pero ang ganda mo iha, baka pag nakita ka ng amo namin ay mahumaling sa iyo yun." Ngising sabi niya saakin. "Sino nanaman ba yan? Palagi nalang ata? Amo? Who's that?" Aniya ko sa aking isipan, Sorry author curious lang po ako. "Wag po kayong magbiro ma'am, ako po ay nandito para makapag -apply, maari po bang makapasok?" Tanong ko sa kanya, baka kase hindi pa nya ako tanggapin dapat mabait naman tayo kahit dito lang para matanggap tayo, nako baka madali pa. "Akin na ang iyong papeles iha, at ikaw ay tanggap na makaka pagtrabaho kana bukas hanggang 1pm-5pm, diba isa kapang estudyante?" Saad niya sa akin na may dala tanong. Napangiti naman ako dahil natanggap ako " maraming salamat po at opo isa pa pong akong estudyante ngunit ako ay 3rd year college napo" aniya ko sa kanya "O siya sige maaari kanang mag trabaho bukas" aniya niya sa akin "Maraming salamat po talaga, Ma'am Maricel" Umaga na at pasokan nanaman sa paaralan sana naman siguro ay madaming akong makikilalang mga tao sa unibersidad na pag aaralan ko. Siya nga pala hindi ko nasabi sa inyo na malapit lang sa Hilton University at sa apartmen ang pinagta-trabahoan ko kaya, kaya ko lang itong lakadin. Paalis na sana ako sa cafe na pinag- applyan ko ng may aksidente akong nabangga at may hawak pa itong coffee na parang dito rin binili sa pinag-applyan ko, agad ko itinaas ang aking ulo para tignan ko sino ito ngunit nagulat ako nung nakita ko yung lalaki kanina sa door na pa bigla bigla nalang sumusulpot, nakakalula ang mata niya at napakaganda. " Sorry po, hindi ko po sinasadya" ani ko sa kanya na may takot, kasi ikaw ba naman masagi mo yung anak nung nag mamay-ari ng aking pinapasukan na paaralan. "Oh it's okay honey, y oh i remember you honey, ikaw yung newcomer sa Hilton University" ngising saad niya saakin, natatakot ako sa mga titig niya para akong kakaining buhay. " Yes po, ako nga po" saad ko sa kanya " What is your name?" Tanong niya saakin I wonder bakit niya tinatanong ang name ko e ngayon palang kami nagkita," para nga magkilala kayo no. Ay uu nga ang bobo mo naman Gianna, scholar ka panaman" aniya ko sa utak hayys " My name is Gianna Ramirez" may ngiti kung sabi sa kanya. "Oh Gianna, sounds like my girlfriends name"aniya sa akin na may ngisi sa labi, takot akong napa angat ng aking mukha para matitigan siya. "Oh Sorry Mister!, I'm not your girlfriend" pagalit kung aniya sa kanya naging talim naman ang titig nito sa akin at agad itong lumapit sa akin at bumulong ng " When your feet is stamp on our university, You're mine mow whether you like it or not" madiin niyang sabi saakin na nagpatindig ng aking balahibo at agad naman itong umalis sa aking harapan. Napatulala ako dahil hindi pa nag sink in sa utak ko ang mga sinasabi nya ngunit hindi ko nalang ito iisip-isip baka prank lang yun. Agad kung nilisan ang coffee shop at umuwi na agad sa aking apartment. Pumasok agad ako sa apartment at umupo muna di kase mawala sa isip ko yung lalaki kanina na parang baliw, hayys sabi ng ayaw ko siya isipin e, para mawala ito sa isip ko ay nagluto ng lang ako sa kung anong makikita ko sa refrigerator ngunit walang pagkain inumin lang ang nakita ko lang sa cabinet ay cup noodles kaya yun nalang, pagnag ka sweldo ako ay mag go-grocery ako para may makain ako dito. Pagkatapos kung lutoin ay pumunta ako sa sala at pina-andar ang tv ngunit wala akong makitang magandang tanawin kaya pagtapos kung kumain ay pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang de-keypad na cellphone para makumusta ko ang aking ina at ama. At isa rin sa dahilan sa pag tatyaga ko ay dahil ako lang ang nag-iisang anak nila kaya nagpupursigi talaga akong mag-aral. Sinimulan ko nang tawagan si ina. " Inay at itay kumusta napo kayo dyaan?" Pagkumusta ko sa kanila dahil matagal- tagal narin ng hindi kami nag kita ng aking magulang. "Kami ay ayos lang rito anak. Bat napatawag ka? Ikaw ba dyaan ay ayos lang?" Aniya ni inay sa telepono. " Ayos lang po ako ina at nais ko lang po kayong kumustahin dahil mahgit isang lingo narin tayong hindi ko kayo na kita" saad ko sa kay inay, baka nagtataka kayo ha bakit isang linggo palang at third year na ako rito, sa katunayan ay doon talaga ako nag 1st and 2nd year saamin ngunit may babayarin lang rin pala doon at kapos din kami sa pera kaya napag-isipan ko na lumuwas ng manila at nag apply ng scholarship don sa Hilton University. " hindi mo na kaya dyaan anak, umuwi kana rito dito na kita papa aralin at mag pupursigi kami para mabayaran lahat ng iyong kakailanganin." Ani ni itay saakin "Kaya ko po rito, kakayanin ko po rito para sa inyo po, o siya ako na po ay magpapa alam inay at itay mag ingat po kayo dyaan"pag paalam ko sa kanila. Hindi nama ako maiyakin pero tumulo nalang yung luha ko dahil sa miss na miss ko na sila, nais ko na talaga makapag tapos para makabawi ako sa paghihirap nila. Tiningnan ko muna ang oras at 7:30 na pala kaya nilagay ko agad sa taas ng kabinet ang aking cellphone at humiga na ako sa maliit na kama at natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD