Tessa "Was there a time before na inisip mong tayo talaga? Or like wala kasi 'di ba? Focused ka lang sa work at kay Santi?" tanong kong nakapagpatigil sa kaniya sa paghaplos sa aking buhok. Nakaunan ako sa kaniyang dibdib at mula sa ayos kong iyon ay rinig ko ang kalmadong pagtibok ng kaniyang puso. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan kong nakakunot ang kaniyang noo, magkasalubong ang kaniyang kilay na para bang pinoproseso pa iyong tanong ko. Tila ba tinatantiya niya pa kung seryoso ba ako or nagbibiro lang. Pero seryoso naman kasi ako. Curious lang naman, e. Hindi na ba puwedeng magtanong ngayon? "Are you being serious with that?" He asked. Sinasabi ko na nga ba, e! Mukha ba akong nagbibiro sa tanong ko na 'yon? "Oo nga kasi, Darius. Ano? Naisip mo ba na tayo talag—

