Tessa "We're here..." Mahina kong paalala sa kaniya nang nasa tapat na kami ng pinto ng tinutuluyan namin ni Yuan kasama si Brent. Tumango siya at nagbuga ng malalim na hangin. I can feel the tension from his actions. Hindi niya man sabihin sa akin iyon, alam ko. "Uh..." I cleared my throat. "Halika na?" I raised by brows on him as a sign of query. Isang seryosong tango lamang ang itinugon niya sa akin. I nodded back before finally holding the door knob. Hindi na ako nagsabi na nandito na kami kay Brent. Ni hindi rin ako kumatok or nag-doorbell dahil gusto ko silang sorpresahin. Pigil ang hininga ko habang dahan-dahang pinipihit iyon. Dumagundong nang malakas ang aking puso sa kaba. Para bang huling araw na ito ng buhay ko. "Stay still, Yuan, please? Someone's coming here to se

