Tessa I woke up late today. Marami kasing inasikaso kahapon sa shop nina Mama at dahil wala naman akong gaanong ginagawa rito, napagpasyahang kong tumulong doon. Mabuti na lang at Linggo naman kaya walang trabaho para sa amin ni Darius ngayon dahil tuwing Linggo ay napag-usapan naming oras namin iyon para sa mga bata, lalo na siya at mas babad siya sa trabaho kaysa sa akin. Iyon nga lang, nang nagising ako ay wala na si Darius sa tabi ko. Pati ang mga bata ay wala na rin sa kani-kanilang mga silid. "Good morning, ma'am." maligayang bati sa akin ni Joy, iyong yaya ni Yuan na kinuha ni Darius kahit na ayaw naman sana ng anak namin. Naaawa nga ako sa kaniya minsan dahi inaaway lang siya palagi ni Yuan. Sinabi ko naman kay Darius na kahit hindi na siya paalagaan pero ipinipilit niya pa ri

