Hindi pa man kami nakalalayo ni Levi nang lingunin ko ang receptionist, na hanggang ngayon ay natutulala sa gawi namin. Mapang-asar akong ngumiti, saka ito inismiran— ano ka ngayon, girl? Hinawi ko lang ang buhok ko, bago muling hinarap ang nilalakaran namin, sakto nang sabay kaming makapasok ni Levi sa elevator. Kami lang ang tao roon at hindi ko mawari kung bakit ang awkward bigla ng pakiramdam ko. Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong hawak niya pa rin, animo'y walang balak akong pakawalan. Nang matanto siguro nito kung saan ako nakatingin ay mabilis niyang binitawan ang kamay ko. Maagap ko siyang binalingan at nakitang deretso lamang ang atensyon niya sa nakasaradong pinto ng elevator, hindi na ako nito tinapunan ng tingin, kung kaya ay malaya kong napagmamasdan ang pigura niya. Tiim

