Hapon na kaya balak ko ngayong sunduin si Levi sa kaniyang kumpanya, hindi kasi ako mapakali at gustung-gusto ko nang sabihin dito ang magandang balita. Inilapag ko lang sa pahabang sofa ang mga pinamili namin ni Mama at kaagad ding lumabas ulit. Gusto ko ring banggitin sa kaniya na ina ko si Ysabelle Smith, kaya ganoon ko kadali siyang napakiusapan. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa halu-halong emosyong nararamdaman. Ngunit mas nangingibabaw ang excitement at ang pagbaha ng pagmamahal ko kay Levi. God! Sobrang saya lang, pakiramdam ko pa ay ang gaan-gaan ng katawan ko at tuluyan nang nawala ang mga problema ko. Sa isang iglap ay naging maayos ang lahat, na tipong hindi ko pa mapaniwalaan dahil sa sobrang bilis. Kasi kung tutuusin ay higit sampung taon kong tinimpi at pinalaki sa pu

