Sa kawalan ng huwisyo ay napapayag ako ni Jaxon na ihatid ako sa apartment, iyon nga lang ay sa kanto lang ako nagpababa para hindi na masyadong abala sa kaniya na pumasok sa may kaliitang eskinita roon. "Ayos ka na ba talaga rito?" tanong nito upang kunin ang atensyon kong kanina pa naglalakbay sa kalawakan. Buong biyahe namin ay tahimik lang ako, walang imik kong dinaramdam ang nangyari kanina. Ganoon din naman si Jaxon na para bang inirerespeto niya ang katahimikan ko. Laking pasalamat ko na kahit papaano ay may gumagabay sa akin ngayon, nagawa pa ako nitong ihatid. Ganoon pa man ay hindi ko na masyadong ipinagkaloob sa kaniya ang tiwala ko. Mapait akong ngumiti nang malingunan ko siya, kanina pa ito pasulyap-sulyap sa akin at alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Huminga ako

