PUPUNGAS-PUNGAS pa si Amira nang sunduin ni Francois sa mansiyon para sa date nila. Ayaw pa sana niyang bumangon sa higaan pero di sila makakapag-date sa bandang tanghali o hapon dahil kailangan nang bumalik sa trabaho. May ihahandang buffet dinner ang binata at siya naman ay magbabasa ng mga project proposal. Kahapon ay idinala nga siya nito sa mataong lugar. Tumambay sila sa radio station at nakipag-kwentuhan sa mga commentator doon tungkol sa nalalapit na Lang-ay Festival. Dahil di pa siya nakakapunta sa Bontoc ay doon naman daw sila susunodo na magde-date ni Francois subalit di niya alam kung anong makikita nila sa Bontoc nang alas sais ng umaga. Hindi na niya tinanong ang binata. Malamang ay isosorpresa na lang siya nito. Nang madaanan nila ang Kiltepan Rice Terraces ay nagsisimul

