INIKOT ni Amira ang mata sa paligid habang nagpapaliwanag si Engineer Peralta na assistant project manager ng Lambayan site. Nasa gitna sila ng komunidad Kasama si Francois, ang sekretaryang si Brynette at iba pang staff ay gagawa sila ng assessment sa Lambayan site. Nasa gitna sila ng basketball court at di kalayuan ay ang elementary school. May mga nagkaklase pang bata noon at tahimik ang paligid. Sa di kalayuan ay ang pabahay para sa pamilya ng mga minero. Maganda at maayos ang community. May palaruan para sa mga bata, may pagamutan at maayos na daan. Kung titingnan ay malayo na talaga ang narating ng mga Lambayan kumpara sa dating pamayanan ng mga ito. May mga kabataan na nase-cellphone pa habang nasa daan. Walang ipinagkaiba sa ibang normal na pamayanan. Bumilis ang pulso ni Amir

