Chapter 143

1062 Words

Isang nang-aakusang tingin ang ibinigay ni Apo Semblat kay Sikandro. “Huwag po ninyo siyang sisihin. Alam ko naman na di maiiwasang magalit siya sa akin dahil kahit bali-baligtarin ko ang mundo ay isa akong Banal. Pilit kong itinakwil ang bahagi ng pagkatao kong iyon pero sa mga Banal ko unang naramdaman ang pagmamahal at pagtanggap ng isang pamilya. May lolo ako na kahit na ipagtabuyan ko at itakwil ay sinikap na tanggapin ko siya.” Di niya maiwasang ngumiti nang maalala ang namayapa niyang lolo. “May pito akong kapatid sa ama na bagamat magkakaiba-iba kami ng ina, pinagmulan at ugali ay handang ipagtanggol at protektahan ang isa’t isa. Kung pakakasalan ko si Sikandro ay hindi ko na sila makikita. Ayokong mangyari iyon.” Tiningala niya si Francois. “At may lalaking nasa tabi ko kahit na a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD