Excited na inilagay ni Amira ang iba't ibang klase ng berries na siya mismo ang pumitas sa ibabaw ng cheesecake. Inalok siya ni Francois kung gusto daw niyang lagyan ng toppings ang cheesecake. Wala siyang alam sa pagluluto ng pagkain. But watching the brilliant chef create masterpieces from scratch, he made it look so easy. "Madali lang palang mag-decorate nito," sabi ni Amira. "Pwede mo na akong maging assistant. Tapos na ang Merry Berry. Magugustuhan ni Berry ito." "Wala naman siyang tinatanggihan. She actually offered to be my assistant as well but I had to decline. Wala tiyak akong matatapos na trabaho. She will just guffaw everything that is edible." "That is Berry for you. But I am more patient. Hindi ko ine-expect na enjoy palang magluto. Hindi kasi ako tumatao masyado sa kusin

