MAKULIMLIM ang langit subalit mistulang bumuhos ang malakas na ulan sa Sagada dahil sa dami ng nagsi-iyak nang ihatid sa huling hantungan si Don Alfonso Banal. Sa Calvary Hill nakalagak ang labi nito matapos ang tatlong araw na lamay o “bingit” at siyam na baboy na k*****y bilang bahagi ng tradisyon. Buong Sagada ang nakipaglibing dito bukod pa sa mga kaibigan, kakilala at empleyado nito mula sa iba't ibang lugar. Halos lahat ay may luha sa mga mata. Lahat ay may kanya-kanyang kwento. Nagsisipag-iyakan din ang mga kapatid niya. Hindi niya alam kung dahil napalapit na ang mga ito sa don o dahil iyon ang inaasahan ng mga ito. Parang si Amira lang ang di lumuha. Alam niyang nagtataka ang marami. Nararamdaman niya ang pasimpleng tingin sa kanya ng kapatid niyang si Ailene na parang nang-uuy

