"Isa kang Banal? Isa kang Banal?" Biglang napaluhod sa harapan ni Amira ang kaibigang si Estephanie at napahawak sa binti niya. "Por dios, por santo! Hindi ako makapaniwala na isa kang Banal." Pinilit niyang itayo ang kaibigan sa eksaheradang reaksiyon nito nang sabihin niyang isa siya sa apo ni Don Alfonso Banal. "Umayos ka nga diyan. Mukha kang baliw. Hindi ako santa o isang aparisyon. Huwag kang lumuhod diyan pwede ba?" Tumayo ito subalit nasa mga mata pa rin ang pagkamangha habang pinagmamasdan siya. "Grabe naman kasi ang pasabog mo. Ang mga ganyang revelation ay sa teleserye ko lang napapanood." Bigla itong uminom ng tubig. "Nakaka-heart attack ka. Di mo man lang ako binigyan ng hint kahapon. Kaya ka pala niya ipinasundo dahil isa ka sa walong apo niya. Aba! Hindi mo ako pinatulog.

