Humihingal si Amira nang sa wakas ay makarating sa kalsada. Napasarap ang tulog niya sa kubo ng lola niya at kundi pa siya ginising ni Manang Marilyn, malamang ay naghihilik pa rin siya hanggang ngayon. Nang sulyapan niya ang relo ay menos beinte na lang bago mag-alas singko. Wala siyang matanaw na sasakyan. "Gaano kalayo ang Lake Danum dito kung lalakarin?" "Naku! Baka abutin po kayo ng siyam-siyam, Ma'am. Malayo po iyon kapag nilakad ninyo. May kinse minuto lang po iyon kung may sasakyan." Naipadyak niya ang mga paa. Walang katiyakan kung makakasakay nga siya dahil di siya sigurado kung may dadaan pang bus o jeep. Kung makiki-hitch naman siya ay baka di rin siya pasakayin. Walang signal ng cellphone sa bahaging iyon ng Sagada na puro mga puno. Hindi siya makakapagpasundo kay Manong Ge

