NANLALAMIG ang mga paa ni Amira habang nakatayo sa harap ng Sofitel Boutique Hotel kung saan gaganapin ang Mining Forum. Nagulat na lang siya nang padalhan siya ng memo kahapon nang hapon para dumalo sa naturang forum. Isang utos iyon na hindi niya pwedeng tanggihan. Nerves were starting to get into her. Bahagi siya ngayon ng Banal Mining Corporation. Di niya alam kung paano aakto bilang isang Banal at environmentalist. Di niya alam kung saan siya tatayo. Sinadya niyang magpahuli sa mga kagrupo. Naroon si Romualdo at ang iba pang direktor at executives ng kompanya. Yumuko na lang siya at medyo tinabingan ang mukha niya para di siya gaanong makilala. Sa registration pa lang ay napansin na siyang ibang kasamahan mula sa ibang environmental groups. Kumukuha siya ng kape para makalayo mu

