Masaya ang kwentuhan ng lahat pero napansin ni Amira na madilim ma ang mood ng ama. Maya-maya pa ay tumayo na ito. “Jairus, Brian, Matthew, Alex, Pierce, Kellan, Brian, sumunod kayo sa library. May importante tayong pag-uusapan.” Nang maglakad ang ama niya palayo ay isa-isa na ring nagtayuan ang mga asawa at nobyo ng kapatid. Saka nila napansin na si Francois lang ang hindi tinawag. Tinapik ni Alex ang balikat nito. “Sumunod ka na sa amin.” Simpleng ngiti lang ang ibinigay ni Francois dito. “Di naman ako tinawag.” “Baka naman na-overlook ka lang,” anang si Jairus. “Halika na.” “Dito na lang ako. Baka kayo lang talaga ang kakausapin ni Tito Alfie,” anang si Francois. “Alam kasi ni Papa na late na kaming kumain,” pabirong sabi ni Amira sa iba at saka lang nakumbinsi ang mga lalaki na

