MAGKASALIKOP ang mga kamay ni Amira habang nakaharap kay Romualdo. Iyon ang unang araw niya sa pagbabalik sa Banal Mining dahil sinulit nila ni Francois ang bakasyon niya. Matapos ang meeting nito sa mga TV producer ay nag-weekend sila sa Coron gaya ng gusto niya. Kailangan ni Francois ng oras na mag-isip bago ito tuluyang bumalik sa Cordillera. Malaking opportunity ang show na inaalok dito. At di lang iyon basta simpleng cooking show. Makakapagbiyahe ito sa iba’t bahagi ng bansa para makihalubilo sa locals at alamin ang local food at delicacies ng mga ito. And it was one of his dreams. Ang kaibahan lang ay hindi cookbook ang gagawin nito kundi isang cooking show. Hindi pa nito ibinibigay ang sagot at hindi niya alam kung bakit ini-stall pa nito samantalang iyon ang gusto nito. Habang sa

