Abala si Amira sa pag-eempake ng mga gamit niya. Maraming pabaong souvenir ng mga kapatid niya. Iyon na ang huling araw niya sa mansiyon. Nasulit na niya ang isang buwan sa Sagada. Magkakanya-kanya na ulit sila ng buhay na magkakapatid. Bukas ay babalik na siya sa La Trinidad para harapin ang trabaho sa Banal Mining Corporation. Makikita niya ang iba sa mga ito gaya ni Vera Mae na nasa Baguio o ni Yumi na nasa Sagada lang. Nakapagpaalam na siya sa ibang kapatid maliban sa isa. May kumatok sa pinto ay narinig niya ang maliit na boses. “Ate Amira.” Binuksan niya ang pinto at walang sinabi nang makita ang bunsong kapatid. Hinayaan lang niya itong pumasok. Hindi siya makapagsalita dahil baka maging emotional siya at maiyak. Hindi yata niya ma-imagine na di niya makikita ang kapatid na si E

