“SO, okay na kayo ng mga kapatid mo?” tanong ni Estephanie kay Amira habang kumakain sila ng bayabas na piñatas nito sa harap ng bahay. “Yes, for now. Pero di ibig sabihin pwede nilang ayunan ang lahat ng proposal ko. Buti na lang talaga nai-explain sa akin ni Ailene kung bakit iba ang ibinoto ng mga kapatid ko kundi baka di ko pa rin sila pinapansin hanggang ngayon.” Napansin niya na mukhang masaya ang company ng mga kapatid niya sa isa’t isa. Alam din niya na nag-e-effort ang iba sa mga ito na mapalapit sa kanya. She was trying her best to be nicer to them. Hindi nga lang niya masasamahan ang mga ito kapag dumadalaw sa ama nilang si Alfie. Sinabi na lang niya na may kailangan pa siyang gawing trabaho kahit na ang totoo ay gusto lang niyang makatakas sa pagdalaw sa ama niya. “So, okay

