MAHILO-HILO pa si Amira nang magtungo sa kusina. Naabutan niya si Manang Rosing na nagluluto ng agahan. “Gawis ay agew yo,” bati niya ng magandang umaga sa salitang Kankana-ey at umupo sa marmol na kitchen top. “Gawis, Ma’am,” anang cook. Kalabasa burger at gatas ng kalabaw ang ini-request niya na agahan. “What are you doing in my kitchen, Amira? What are you doing in my house?” umaalingawngaw sa buong kusina na tanong ni Caridad. Nang iangat niya ang tingin dito ay nakatayo na ito sa may pinto ng kusina at nakasandal sa hamba. Nakasuot na ito ng roba subalit hindi pa rin ito nakaayos, in her whole splendor. Kadalasan kasi kapag bumaba ito ng kusina sa umaga ay nakaayos na ito at naka-make up na. “Good morning, Aunt Carrie,” magalang niyang bati at pilit na ngumiti. "Si Ma'am Ami

