“Ma’am, malaki po ang pasasalamat namin sa minahan. Nakakapag-aral na po ang mga anak namin. Di na kami dadayo pa sa bayan para lang makapag-aral sila. Di na kami mag-aalala sa kanila May teacher na rin galing sa tribo namin at napagtapos ng minahan. May health center na rin kami at paanakan kaya mas ligtas ang kalusugan namin. Lahat po iyon ay project ng lolo ninyo,” kwento ni Mimay, isa sa asawa ng mga minero doon. Ipinaghehele nito ang anak na isang taong gulang pa lang. Nasa canteen sila at kakakain lang ng miryenda. Nang mawala ang tensiyon at nalaman ng mga ito na wala siyang banta sa mga ito ay tinanggap siya ng mga ito na parang kapamilya. Na parte siya ng isang malaking pamilya. Galing pa sa iba’t ibang probinsiya sa Cordillera ang mga ito at talagang nagsikap daw na makaratin

