“MAIWAN ka dito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung anong oras ako makakabalik,” sabi ni Francois nang sundan ito ni Amira hanggang sa parking lot. He was in a dark mood. Kahit sinong makasalubong nito sa hallway kanina ay umiiwas. His fall-out with his father was devastating on his part. At alam niya na sa paghaharap ng mga ito kanina ay maraming di magagandang salita na narinig ang binata. Mga salita na di nito dapat narinig mula sa ama. “Sasama ako sa iyo. Ako na ang magmamaneho ng kotse mo,” prisinta niya at pilit na hinahabol ang malalaki at mabibilis na hakbang nito. “Maiwan ka dito, Amira.” “Hindi kita pwedeng hayaan na mag-isa. At di kita hahayaang magmanehong mag-isa.” “I need some time alone,” angil ng binata. “I need space.” “Saang space mo ba gusto? Sa outer space

