“Amira, bumangon ka na diyan. Di ka pwedeng dito lang sa kuwarto ko at nagmumukmok. Umuwi ka na sa mansion ninyo,” pakiusap sa kanya ng kaibigang si Estephanie nang pasukin siya sa guesthouse ng mga ito. “Tinataboy mo rin ba ako?” “Hindi naman sa ganoon. Kaso kanina pa nagte-text sa akin ang Ate Yumi mo. Tinatanong kung nandito ka daw sa bahay. Kung pwede daw umuwi ka na. Nag-aalala na daw sila sa iyo.” Humiga siya patalikod dito. Sa halip na sa mansion ay nagpahatid siya sa bahay nila bahay nila Estephanie at doon nakitulog. Hindi palagay ang loob niya na makita ang mga kapatid niya. Emotional pa siya at ayaw niya ng away. Baka kung ano pa ang masabi niya sa mga ito. “Hayaan mo sila. As if they really care. Matapos nila akong iwan sa ere ngayon pa mag-aalala sa akin,” maktol niya. Ti

