“Amira, kanina pa tumatawag si Brynette sa iyo. Hindi mo daw sinasagot ang phone mo. I-check mo daw ang design ng Skyland Palace at ng Cloud Nine Garden para maipabago pa nila kung ayaw mo.” Hindi pinansin ni Amira ang sinasabi ng kasintahan at nakahiga lang sa rug sa tabi ng fireplace habang nakatitiig sa apoy. Dalawang araw na siya sa Baguio. Nang iwan nila ni Francois ang Sagada ay tumuloy siya sa bahay nito sa Baguio. Di na siya lumabas ng bahay nito. Ni hindi siya lumalabas ng kuwarto. Wala siyang ganang kumain. Wala siyang ganang magtrabaho. Naramdaman niya si Francois na umupo sa likuran niya at hinawakan ang balikat niya. “Amira, narinig mo ba ang sinabi ko? Kailangan mong tingnan ang design. Dalawang linggo na lang bago ang presentation mo. You have to polish everything. Being t

