May dalang kilabot kay Amira habang naglalakad sa hallway ng mansion na pag-aari ng amang si Alfie sa Baguio. Halos di siya humihinga dahil pawang portrait iyon ng madrastang si Caridad. Paintings lang ang mga iyon pero parang buhay na buhay. Pakiramdam niya ay sumusunod ang mga mata nito sa bawat hakbang niya. Mula sa opisina ng Banal Mining Corporation sa La Trinidad ay doon sila tumuloy. Iyon ang unang beses niyang tumapak doon pero nakatatak sa bawat bahagi ng bahay ang marka ng madrasta niya. Na kahit na wala ito sa bahay na iyon ay parang kailangan pa rin niyang mag-jngat sa kilos niya. May iniwang trauma sa kanya ang ginawa nito sa kanya at sa pamilya niya. She never thought that she could meet someone as vicious as her stepmother. Hindi siya makapaniwala sa kayang gawin ng isang

