MABIGAT ang pakiramdam ni Amira habang ineempake ang mga gamit niya. Wala pa siyang isang linggo sa Sagada pero parang napakarami nang nangyari. At aalis siya doon nang alam niyang may maiiwan siyang bahagi ng buhay niya na hindi pa tapos. Kaya ba talaga niyang umalis kung bilang na ang sandali ni Don Alfonso? Hindi siya makahinga dahil parang may batong nakadagan sa dibdib niya at inilagay sa backpack niya ang inirolyo niyang gypsy skirt. Kailangan kong gawin ito para kay Nanay. Baka kapag di pa ako umalis dito, si Nanay naman ang mawala sa akin. Siya ang totoong pamilya ko. Kailangan niya ako. At babalik na ako sa normal kong buhay. May kumatok sa pinto at kasunod niyon ay tinawag ni Estephanie ang pangalan niya. “Amira, pwede bang pumasok?” Pinagbuksan niya ito ng pinto. “Nasaan na s

