ESCAPE. Iyon ang maitatawag ni Amira sa impulsive trip nila ni Francois. After deciding that they wanted to get away, they just packed some of their clothes then travelled to Manila riding a bus. Pinadala ni Francois sa kanya ang passport niya para bahala na daw kung saan sila makarating. Bago pa sila nakarating sa Manila ay naka-book na ang flight nila patungong Bangkok. And from there, she and Francois flew to the northernmost province of Thailand – Chiang Rai. Mula doon ay isang private car ang nirentahan ng binata. Kahit babangag-bangag pa siya dahil walang pahinga sa tuloy-tuloy na biyahe ay na-enjoy niya ang White Temple, isa sa pinakamagandang templong nakita niya dahil sa magagandang sculptures nito at ang mga disenyong salamin na nagniningning kapag tinatamaan ng liwanag. Sub

