AYAW bitawan ni Amira ang kamay ni Francois nang pumasok siya sa mansion. Nag-text ang binata kay Yumi na iuuwi siya first thing in the morning. Marami pa ring takot ang dalaga at kung siya ang tatanungin ay mas gusto na lang niyang magtanan. Kung ayaw siyang itanan ni Francois, itatanan niya ang sarili niya at di siya babalik hangga’t di tinatanggap ng ama niya ang nobyo. But now he was returning her to her father with any guarantees. Ang tanging pangako lang ni Francois sa kanya ay gagawin nito ang lahat para tanggapin ito ng kanyang ama. Sinalubong siya ni Yumi. “Amira, kanina pa kayo hinihintay ni Papa.” Naabutan nilang palakad-lakad si Alfie sa sala habang nakaantabay naman ang nurse nito na bakas sa mukha ang pag-aalala. “Tito, nandito na po si Amira kagaya ng pangako ko,” anang

