“AMIRA, mabuti naman at nayaya kita na lumabas sa mansion,” sabi ni Estephanie nang magkita sila sa Sagada Canteen na siyang meeting place nila bago pumunta sa bahay nito para sa tanghalian. “Ikaw pa yata ang naghintay sa akin.” “Sira. Welcome na welcome naman na yayain mo akong lumabas. I really need that. Malapit na akong mabaliw sa Banal Mansion.” Habang lumilipas ang mga araw ay parang nahihirapan siyang huminga sa mansiyon lalo na sa presensiya ni Caridad. Mukhang nakukuha na ng madrasta niya ang loob ng mga kapatid niya. She was a mother figure to everyone. Di niya ito tahasang masawata o mabara minsan dahil magiging masama ang tingin sa kanya ng mga kapatid. Her relationship with her sisters was fragile enough. May mga kapatid siyang mababait sa kanya at ang iba ay tino-tolerate l

