“Sa wakas, natapos na din!” anang si Ailene at nag-inat ng mga kamay. Nakapaikot sila sa bonfire sa harap ng kubo ng lola silang magkakapatid kasama ang kanya-kanyang partners in life. Tapos na sa wakas ang program para sa birthday ni Don Alfonso na matagumpay na naisagawa. Ang totoo ay gusto pa ngang maulit ng marami ang naturang programa. Nag-enjoy kasi di lang ang bata kundi maging ang mga magulang nito na maraming natutunan. Naging proyekto tuloy ng bawat isa na magtanim sa kanya-kanyang bakuran at ang nanguna pa sa mga ito ay ang empleyado ng Banal Mining sa Sagada na ipinagmamalaki ang naitanim nang mga puno at halaman ng mga ito. Humilig si Kellan sa balikat kay Mabel. “I am not sure if I want to do it again.” “Tse! Enjoy na enjoy ka nga na magpa-picture sa mga girls,” anang si M

