Nagtataka niya itong sinundan ng tingin hanggang maisara nito ang pinto. Weird. Napaka-weird talaga nito. Hindi niya alam kung bakit parang may laman ang sinasabi nito. Marahil ay nasa mansion ito nang atakihin si Don Alfonso. Pinatahimik lang marahil ito ni Attorney Ferrer at ng iba pa para di magsalita ng di masama tungkol sa kanya. Bumuntong-hininga siya. Bukod pa doon, parang may iba pa itong gustong sabihin sa kanya. Ipinilig niya ang ulo. Ayaw na nga niyang isipin iyon. Basta nandito siya para mag-relax. Ayaw na niyang isipin ang nangyari sa nakaraan o ang mangyayari bukas. Isang black na two piece swimsuit ang pinili niya dahil wala naman siyang choice. Pinatungan lang niya iyon ng ginantsilyong brown na dress na butas-butas. Nakikita pa rin ang two-piece swimsuit niya sa loob p

