Kakaibang saya ang naramdaman ni Amira habang pinagmamasdan ang binata. Kung wala lang sigurong mesa sa pagitan nila ay baka nayakap niya ito sa sobrang excitement. “Nandito ka!” Kung kailan inaakala niyang hindi na ito magpaparamdam sa kanya at kalilimutan siya ay bigla na lang itong magpapakita. “Anong... paano ka nakarating agad dito? Akala ko nasa Sagada ka?" Nakasuot ito ng plain white T-shirt na humakab sa dibdib nito at nag-emphasize sa malapad nitong balikat. His hair was a bit ruffled giving him a rogue look. His grey eyes had a mischievous glint when he smiled. "Nasa Sagada nga ako. Nag-magic lang ako para makarating dito." "Come on! Be serious.” "Mamimili ako ng bakery supplies kaya ako lumuwas. At siguro naramdaman ko rin na kailangan mo ako." Ibinuka nito ang mga bisig. "

