Nakaupo si Amira sa kahoy na upuan na di kalayuan sa mesa kung saan naghahanda ng pagkain sina Francois at Tamika. Gustong-gusto niyang panoorin na magluto ang binata. Kahit noong mainit ang ulo niya dito ay gumagaan ang loob niya dito kapag nagluluto ito. Pinausukang tapa ng usa at isasama sa sinabawang himbabao o pika pika para sa Lambayan ang iluluto ng mga ito. Kapalit ng recipe na iyon ay tuturuan naman ni Francois si Tamika kung paano makakagawa ng masarap na tsokolate mula sa buto ng cacao. May gusto siyang ibigay kay Francois bago sila magkahiwalay. Maaring ito na rin ang huling pagkakataon na makikita niya itong magluto. “Amira, bilang isang babaeng Lambayan ay kailangang magaling kang magluto,” anang si Tamika. “Isa iyan sa magagandang katangian na dapat taglayin ng isang asaw

