"So....what now Allyna? Ano na plano mo?" ani Jessa. Napilitan siyang bumalik sa bahay ng kaniyang kaibigan at doon na naligo bago pa siya umuwi. Mabuti na lang at hindi pa rin bumabalik ang nanay ni Jessa. Ayaw na rin sana niya na mag explain pa... tiyak na katakot-takot na tanong ang ibibigay ng ginang sa oras na maabutan siya sa bahay. Lalo pa kung makikita niya si Tim at Ram. Ililihim na rin niya ang lahat sa sariling pamilya. Alam niyang hindi maganda ang maaring mangyari kung malalaman ng mga magulang at kapatid ang totoo. Mabuti na lang at naka-alis na si Ram nang bumalik sila at hindi na ito sumunod pa sa kanila ni Tim. Maaring nakapag-isip isip din marahil ang lalaki na hindi maganda ang mangyayari kung magpapang-abot na naman silang tatlo. Umupo si Allyna sa gilid ng kama ni

