"Allyna alam mo na ba ang latest?" ani Erica ang kasama niya sa shift ng araw na iyon. Patapos na Ang shift nilang parehas at hinihintay na lang nila yung dalawa pa na papalit sa kanila bago sila tuluyan na makauwe. "Ha? A....anong latest?!" maang na tanong ni Allyna. "Excited na ako! Magkakaroon tayo Ng team building! Oh di ba!" impit na tili ng babae habang pasimpleng hinahampas-hampas pa siya sa braso. "Team Building?" "Oo Team Building...next week na yan! Closed muna ang buong hotel para makapag enjoy tayong lahat nang bonga!" ani Erica na pinatirik pa ang mata sa taas. Napaka kiriray talaga ng babaeng ito sa loob-loob niya! Napakamot siya nang bahagya sa kaniyang batok. "Erica...diyan ba sa Team Building lahat kailangan pa na mag attend?" Naisip niya bigla si Ram. Baka pwed

