Halos takbuhin ni Allyna ang Infinity Hotel mula nang makababa siya sa kotse ni Timothy. Actually palagi naman nag o-offer si Tim na ihahatid siya or kakaunin pero hindi naman niya ito palaging mapagbigyan ...Ang totoo ayaw rin niya na masyado itong maabala...alam naman niya na bilang pulis busy rin ito. Isa pa ...ayaw niya na patuloy pang paasahin si Tim. Naisip na rin kasi ni Allyna na...na mas mabuti pa na ibaling na lang sana ni Tim yung pagtingin niya sa iba. Sa nakikita niya kasi hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang maibigay. Pinag-aaralan niya nang paulit-ulit na mahalin si Timothy pero hindi niya talaga magawa.. hindi niya kayang mahalin si Tim bilang boyfriend. Hanggang pagmamahal lang ng isang kaibigan ang kaya niya. Ayaw niyang maging unfair kay Tim...hindi

