Lakad takbo ang ginawa ni Allyna. Isa nga sigurong malaking kagagahan ang ginawa niyang pagtakas sa kalaliman ng gabi. Alam niyang napaka mapanganib ng ginawa niyang pagtakas kay Ram...pero kailangan niyang lakasan ang loob habang kaya pa niya na layuan ang lalaki. Malayo-layo rin ang rough road na pinagdaanan niya...sa sobrang dilim ng paligid tanging liwanang lang ng flash light ng cellular phone niya ang tanging naging liwanag niya. Mabilis ang tahip ng kaniyang dibdib....una sa nangyari sa pagitan nila ni Ram. Paano ba niya nagawang ipagkaloob ang sarili sa lalaking ito? At hindi lang basta niya ipinagkaloob naramdaman niya na buong puso siyang tumugon sa lahat ng yakap at halik nito. At natatakot siya.....natatakot siya na sumugal kay Ram muli...okay na siya ...naka move on na.

