"Love me again Allyna.... sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin mahalin mo lang ako ulit!" Parang kandila na itinulos mula sa kinatatayuan si Allyna nang marinig ang mga salitang ito mula kay Ram. Hindi niya maikakaila na nakaramdam siya nang kaligayahan ng marinig ito mula sa lalaking kaytagal niyang minahal. At ang puso niya... halos mabingi siya sa tindi ng pintig noon. Para bang kilalalang kila nito kung kanino titibok ng ganun. Hindi niya namalayan ang pagbagsak ng mga luha niya.... bakit ba tuwing mararamdaman niya yung pagmamahal niya kay Ram palagi iyong may kasamang pait at kirot sa dibdib? Ganito na ba katigas ang puso niya para sa dati niyang asawa? Hindi ganap na makapagpatawad? Bato na ba ang puso niya na noon ay walang alam kung hindi ang magmahal? "Naku pumasok

