Abala si Allyna sa munting hardin ng rest house. Nakasanayan na niya ang pag-aalaga sa mga halaman simula nang magsama sila na muli ni Ram. May magandang pakiramdam kasi na naidudulot ang pag-aalaga ng mga halaman sa kaniya, para bang nakakawala ng pagod sa maghapon. Yung stress sa buhay nababawasan. Sandali niyang nakakalimutan ang mga alalahanin niya at kapag nakita naman niya na namumulaklak na at nagiging malusog na ang mga ito ay satisfying naman na talaga. " Ma'am Allyna... ako na po diyan ang magtutuloy ng ginagawa ninyo. Mapapagod lang kayo ma'am .... baka po sabihin ni sir Ram ay pinapabayaan ko po kayo na kumilos dito sa bahay. Hindi naman ganoon kalaki ang rest house dalawa lang ang bedroom noon. Ang isa ay yung pinaka malaking silid na inaakupa nila at ang isa naman ay yung

