Ram's POV: Halos hindi ko magawang huminga nang makita ko si Allyna kasama si Timothy...ang lalaking matagal nang may gusto sa dating kong asawa. Kaya bago pa ako tuluyan na makagawa nang isang bagay na alam kong mas ikakagalit pa sa akin ni Allyna ay mas pinili ko na lang tumalikod palayo. Hindi totoong..hindi ako nasasaktan! Hindi totoong gusto kong hiwalayan si Allyna! Mahal na mahal ko ang aking dating asawa! Pero hindi ko siya magawang ipaglaban dahil nakita ko mula sa mga mata niya kung paano niya ako kamuhian! Hindi ko alam kung paano ko mababawasan ang sakit na nararamdaman ni Allyna ...nang araw na inamin ko sa kaniya ang aking pagkakamali! Oo...nagalaw ko si Shane! May nangyari sa aming dalawa! Nagpadala ako sa panunukso niya sa akin nang sandaling nagkakaroon kami ni A

